Sunday, March 24, 2013
Epiko 54: "Ang Swapang na Lobo"
Alam naman natin na lahat ng sobra sa mundo ay nakamamatay. Ngunit dahil sakim ang tao, hindi na nila naiisip ang maaring idulot ng sobrang pagkagahaman sa lahat ng bagay.
Katulad na lang ng kwento na ibabahagi ko sa inyo.
Sa isang bundok, may isang mangangaso na tumutugis ng mga mababangis na hayop sa kagubatan. Isang araw, nakakita siya ng isang oso. Gamit ang kanyang baril ay pinaputukan niya ang oso ang tinamaan sa dibdib.
Ngunit hindi agad namatay ang oso. Bagkus ay sinugod niya ang mangangaso. Kinagat at binali niya ang leeg nito hanggang sa mamatay. Ngunit hindi naglaon dahil sa lalim ng bala na tumagos sa katawan nito. Namatay ang oso hindi kalayuan sa katawan ng patay na mangangaso.
Makalipas ang ilang oras. may isang lobo na gutom na gutom na dumating. Nakita niya ang bangkay ng oso at mangangaso. Inisip ng lobo na napakaswerte niya. Kinain niya ang kalhating parte ng oso ngunit hindi siya nasiyahan. Inisip niya na gusto din niyang kainin ang bangkay ng mangangaso. Lumapit siya at inamoy ito ang kamay. Ang hindi niya alam, nakasuot pa ang daliri ng mangangaso sa gatilyo. Nang nagalaw ito ng lobo ay pumutok ito at tinamaan siya sa ulo. Agad niya itong ikinasawi.
Talagang sakim ang at tao at nagnanasa ng mas higit pa kaysa sa kung anong mayroon siya sa kanyang kamay sa kasalukuyan. Kapangyarihan, pera, impluwensiya at iba pang material na bagay ang nagpapapikot sa mundo ng tao. Ito ang katotohanan na mayroon tayo. Walang kakuntentuhan ang tao. Kaya nga mahirap maabot ang "Self-Actualization" sa Heirarchy of Needs ni Abraham Maslow. Walang katapusan ang kagustuhan ng isang tao - kahit kapalit pa nito ay ang sarili nitong buhay.
Pero kung inyong iisipin, ang pag-kontrol sa sarili ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa kahit anong kapahamakan. Kapag sapat lang ang pera, pagkain, pangngailangan at ambisyon ng isang tao, malayo siya sa kapahamakan at mabubuhay ng tahimik at payapa. Pero dahil hindi natatapos ang kagustuhan at pagiging ganid ng isang tao, patuloy ang kaguluhan, pait, sakit at hirap sa buhay.
Mabuhay lamang ng naayon sa balance ng kagustuhan sa buhay. Ang paghahangad sa isang bagay na higit pa sa iyong tinatamasa o hnahanap ang siyang magtutulak sa iyo sa kapahamakan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment