Sunday, March 24, 2013
Epiko 52: "Pulitikang BULLSHIT"
Maraming paraan para maiparamdam sa mga tao ang tunay na serbisyo-publiko na walang bahid ng pulitika.
Ngunit patuloy pa din nababahiran ng puliitka ang serbisyo-publiko para sa mamamayan sa maraming paraan.
Siguro nga ay pagod na ang mga tao sa mga pangako at plataporma ng mga kumakandidatong pulitiko sa tuwing mage-eleksyon. Sa maraming lugar ditto sa bana, nararamdaman na ng lahat ang pagbabalik ng "circus" na kung saan lahat ay nasisisyahan, naiinis at nakikinabang.
Sa kasaysayan ng pulitika at eleksyon sa bansa sa nakalipas na pitong dekada, masasabi mo na hindi pa din natututo ang mga tao pagdating sa pagpili ng nararapat sa pwesto para pamunuan ang nakalaang posisyon sa isang nanalong kandidato. Ang pulitika sa atin ay malaking "BULLSHIT" (BUsiness, Loan, Lokohan, Sisihan, Hidwaan, Impluwensya, at Tropahan)
Karamihan sa mga pulitiko ay ginagawa nang negosyo ang pulitika. Kung magkano man ang kinikita nila, hindi ko na 'yon alam. Pero ang alam ko, maraming nagpapatayan sa posisyon sa gobyerno dahil hindi maitatanggi na malaki ang napapakinabangan nito.
Bukod pa sa ginagawang negosyo, matindi din ang ginagawang pagde-deposito nng mga pulitiko particular na ang mga tatakbong muli sa pwesto sa mga tao. Bukod sa pera, kailangan nila itong sinigilin ng "utang na loob" dahil makakadagdag sila sa boto. Ang mga daan, imprastraktura at proyekto ay inaako nila na parang kanila. Pero mag-isip-isip tayo, sino ba ang nagbabayad ng buwis? Tayo nga ba ang dapat magkaroon ng utang sa kanila? Wala tayong utang na loob sa mga pulitiko.
Kapag malapit na ang eleksyon, samu't-saring gulo, iskandalo at bangayan ang nangyayari na kinasasangkutan ng mga naglalabang kandidato sa pulitika. Grabe ang gulong dulot nito. Ang daming problema ng bansa at nakukuha pa nilang gawin ito. Ngunit dahil eleksyon, patuloy na naloloko ang mga tao sa kanilang ginagawang pag-porma sa mga botante. Sino ba ang niloloko nila?
Tuwing eleksyon din lalabas ang mga maipluwensayng tao na gustong umupo sa pwesto sa gobyerno. Sa bansa, ang maimpluwensya at makapamgyarihan na tao ang nananalo. Sila lang ang ang may arapatan tumakbo sa pwesto... at ito ang masakit na katotohanan. Kaya nga nagkakaroon sila ng madaming kaibigan na hindi nila alam na ginagamit lang sila at nagpapanggap na kaibigan. Pero hindi nila alam, sa bandang huli, sila din ang maglalaban.
Bilang ordinaryong mamamayan, pagod na ako sa ganitong sitwasyon at paulit-ulit itong magpapatuloy dahil bahagi na ito ng kulturang Pilipino. Kung magkaka-civil war lang sana, malamang tapos na ang problemang ito dahil ito lang ang solusyon na nakikita ko na maaring makapagpabago sa nangyayari ngayon.
Muli, maraming paraan para maiparamdam sa mga tao ang tunay na serbisyo-publiko na walang bahid ng pulitika ngunit patuloy pa din nababahiran ng pulitika ang serbisyo-publiko para sa mamamayan sa maraming paraan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment