Sa buhay, may mga bagay na hindi natin maintindihan. Tulad
ng pag-ikot ng mundo sa araw, pa-usbong ng unang sibol ng palay, pag-utot, at
pagkakaroon ng isang natatanging pag-ibig, lahat ng bagay sa mundo ay
punong-puno ng misteryo.
Bagama’t sa likod ng mga misteryong ito, lahat tayo ay
naghahangad ng kasagutan sa mga tanong sa ating naliligaw na kamalayan. Pero
minsan, mas gugustuhin na lang ng ilan na huwag na lang alamin kung bakit.
Basta ‘yun… Alaman na.
Katulad na lang ng isang tao na minsan naging laman ng blogs
ko dalawang taon na ang nakakaraan. Nang makilala ko siya, naisip ko na
napaka-swerte kong tao. Ewan ko ba pero hindi ko maiwasan na ngumiti at maging
masaya sa tuwing naiisip at naaalala ko siya. Kahit ako nga ay nagtataka din sa
sarili ko kung bakit.
Sa halos isang taon na nakasama ko siya, naramdaman ko na
pwede ka naman palang maging masaya sa isang tao at panatilihin ang magandang
samahan. Sa kanya ako nakaramdam ng walang malisya, pagnanasa at pagdadamot.
Halos nasa tabi niya ako kahit na anong mangyari at handang gawin ang lahat
hangga’t makakaya ko. Hindi ako naging madamot sa kanya. Gusto ko lang
iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.
Hanggang sa umalis na siya ng tuluyan at hindi nagpaalam sa
akin. Pakiramdam ko, nawalan ako ng mahalagang tao sa buhay ko. Sobrang lungkot
ko nang nawala siya.
Hindi ko kasi nasabi sa kanya ang mga bagay na gusto kong
sabihin.
Pero hindi ako sumuko na hanapin at panatilihin ang aming
komunikasyon at pagkakaibigan. Minsan lang dumating ang isang katulad niya.
Ayoko siyang mawala sa akin.
Pero dahil kailangang labanan ang maling damdamin, pinilit
kopng kinalimutan siya.
Lumipas ang isang taon, napakadaming nangyari sa buhay ko.
Masasabi ko na talagang nalampasan ko ang pinakamatinding pagsubok na nagdaan
sa buhay ko – ang mag-move on sa kanya.
Pero eto na naman siya. Hindi ko alam kung bakit ako
nagkakaganito kapag nakaka-text siya. Napansin ko din na noong nagsisismula ang
blog na ito ay isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ko kailangang magsulat
muli.
Tulad ng paligi niyang ginagawa, ibinabalik niya sa akin ang
mga ngiti na nawawala sa akin.
Okay lang sana na maging “boyfriend sagigilid” niya kaso
parang ayoko na din. Ayokong masira kung anon a mayroon kami ngayon. Mahalaga
siya sa akin kahit minsan ay hindi niya ako pinahahalagahan.
Hinihintay ko ang muli naming pagkikita… kaso di ko alam
kung saan, kalian at paano. Pero mas mabuti na din ang ganito. Ang mahalaga,
hindi siya nawala sa akin.
Ngayon, naiitindihan ko na kung bakit… siya na nga siguro
ang dahilan kung bakit ako nagsusulat at patuloy na magsusulat.
Hay naku… Trending ka na naman sa puso ko.
No comments:
Post a Comment