Naalala ko tuloy ang isang pangyayari sa buhay ko. Noong
bata pa ako, mayroon akong isang kalaro na nakasamaan ko ng loob. Galit na
galit ako at ayoko siyang kausapin at lapitan. Ang ginawa ko, gumawa ako ng
guhit sa pagitan namin. Sinabi ko sa kanya ‘Huwag kang lalapit…’
Hindi siya nakinig sa akin. Bagkus ay niyakap niya ako at
humingi ng tawad.
Sa aking paglalakbay sa daan na gusto kong marating bilang
isang guro at manunulat, maraming tao ang naglakas-loob na gumawa ng mga bagay
na nagbigay ng kasiyahan at dalamahati. Masasabi ko binigyan nila ng kulay ang
aking pagkatao sa paraan na hindi nila nalalaman. Tumawid sila linya at
sinubukang sumugal na kilalanin ako.
Ngunit sa banding huli, iniwan din ako – sinaktan,
pinaglaruan, ginamit, at higit sa lahat, niloko ako.
Tsk! Hindi na ako natuto at nadadala…
Ngunit hindi ako sumuko. Nananatili akong matatag at patuloy
na hinanap ang dahilan kung bakit ko kailangang mabuhay. Dito ko napagtanto na
masarap palang masaktan kapag nagmahal ka. Minsan nga lang, para kang papatayin
nito sa sobrang sakit. Ngunit sa likod nito ay isang napakahalagang aral na
hindi maituturo sa isang paaralan o institusyon.
No pain, no gain sabi nga ng iba.
Sa kasalukuyan, muli akong nagsisimula. Hindi naman
magkakaroon ng simula kung walang natapos. Walang permanente sa mundo kundi
pagbabago. Walang mahalaga sa mundo kundi ang pagbibigay ng halaga sa mga bagay
na mayroon tayo. Walang masasaktan kung walang mananakit. Walang iiyak kung
walang magpapaiyak. Walang manloloko kung walang magpapaloko. Hindi lang isa
ang nagmamahal – dapat may kabigayan ito nang sa ganoon ay maranasan natin ang
sarap at sakit ng pagmamahal.
Sa taong muling nangwasak sa puso ko, marami akong gustong
sabihin sa ‘yo…
Marami.
Pero pinili ko na lang ang pinakamadali at pinakamasakit na
paraan – Ito ay ang palitan ng galit, poot at paghihiganti ang puso kong
nagluluksa at nangungulila sa ‘yo. Ito lang ang tanging paraan para makalimutan
ka. Pero nagpapasalamat ako dahil napatunayan ko sa sarili ko na kaya kong
gawin ang imposible para sa ‘yo. Pero sinayang mo dahil nanaig ang isip mo na
gawin ang nararapat. Hindi kita masisisi… Desisyon mo ‘yan at may sarili kang
isip.
Kasunod nito ay papalitan na kita sa puso ko ng isang taong
alam ko na tinaggap ang buo kong pagkatao at minahal ako nang walang hinihiling
na kapalit. Kung kontinente nga naghihiwalay, tao pa kaya? Dadating din ang
panahon na ibabalik ng tadhan ang ginawa mo sa akin at mananatili itong sumpa
sa ‘yo dahil ginawa mo sa akin. Pero sa kaso ko, hindi masasayang ang
nalalabing pagmamahal na mayroon ako. Para sa kanya ito. Malas mo lang dahil
sinayang mo ang mga ganitong pagkakataon. Ipapamukha ko sa ‘yo na mali ang ginawa
mong pakikipaghiwalay sa akin.
Sa kabila nito, hindi ko makakalimutan ang pinakahuling
sandali na nag-isa ang ating, isip, puso, katawan at kaluluwa. Walang kapalit
ang ginawa mo sa mga sandaling ‘yon. Isa itong masayang panaginip na patuloy na
babangungutin ka hanggang sa huli mong hininga at pagsisihan mo ng habambuhay... Magiging "taong-grasa" ka tatlong taon simula ngayon.
Pagsisihan mo ng habambuhay…
Pagsisihan mo habambuhay…
Pagsisihan habambuhay…
No comments:
Post a Comment