Tuesday, April 16, 2013

Epiko 57: "MMK (Muntik Maging Kami)"


Malamang nangyari sa ito sa inyo…

Isang espesyal na pakiramdam na hindi masabi sa isang tao dahil sa pinanghahawakan “pagkakaibigan” ana iniiwasang masira.

Pero bakit nangyayari ang mga ganitong bagay?

May kasabihan tayo na ang bawat relasyon ay nagsisismula sa pagkakaibigan. Natural lang ito dahil siyempre, kailangan mong kilalanin ang taong napupusuan mo at ang pinakamadaling paraan ay kaibiganin mo siya.

Pero paano kung ganito ang sitwasyon? Nai-inlove ka sa iyong kaibigan pero ayaw mong masira ang inyong magandang samahan? Ano ang gagawin mo?
Mahirap ‘yan.
Isang kwento ang ibahahagi ko sa inyo.
May isang lalaki na nakakilala ng isang babae. Dahil nga type niya ito, kinaibigan niya ito. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi na naiya inatim na makuha ang pag-ibig niya sa babae dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Naging malapit sila sa isa’t-isa at nagging espesyal ang kanilang samahan bilang magkaibigan. Ayaw isugal ng lalaki kung anong mayroon sila ng babae sa kasalukuyan. Alam niya na mahal niya ang babae ngunit kung aamin siya ng kanyang nararamdaman ay maaaring mawala ang samahan nila na itinuturing niyang isang napakahalagang kayamanan… kahit alam niya na araw-araw siyang nasasaktan.
Parang sugal lang ang pag-ibig. Matalo ka man o manalo sa laro, tanggapin mo. Ngunit dahil may mga pagkakataon na “playing safe” tayo sa sa laro ng mga puso. Minsan ninanais pa natin ang maging kaibigan dahil ayaw nating mawala ang isang tao sa buhay natin. Okay lang naman ang ganitong “relationship status” ngunit sa bandang huli, hindi mo alam ang kahihinatnan ng ganitong klaseng pakiramdam.
Masakit, mahirap at higit sa lahat, katangahan ang ganitong klaseng sitwasyon. Ngunit ganito talaga kapag nagmamahal. Hindi lahat ay may magandang katapusan. Kahit na sabihin na sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat, minsan bitin… sa pagkakaibigan din natatapos ang lahat.

No comments:

Post a Comment