May isa akong kwentong ibabahagi sa iyo:
Matagal nang may lihim na pagtingin si Tikyo (hindi tunay na
pangalan) kay Duday (malamang na hindi din niya ‘yun tunay na pangalan). Simula
ang una silang magkita anim na buwan na ang nakakalipas, espesyal na ang
naramdaman niya para sa babae. Nakakangiti siya kahit mag-isa at tila nahuhulog
sa roller coaster ang kanyang puso kapag nakikita at nagkakausap sila. Palagi
siyang gumagawa ng paraan para mapalapit at magkausap sila. Nagsilbi din siyang
inspirasyon at binago nito ng tuluyan ang pagkatao nito.
Hanggang sa mapamahal na siya ng tuluyan dito.
Isang araw, naglakas-loob na ang lalaki na magtapat ng
nararamdaman sa babae. Ngunit ito ay naudlot nang malaman niya na may ibang
nappupusuan si Duday. Tiniis niya ang napakasakit na nararamdaman at hinayaan
ang babae. Ngunit dahil sa nagpupupmuglas ang puso niya, sinabi pa niya ng
buong lakas ng loob ang lahat sa babae.
Pero minabuti na lang ng babae na sabihin ang mga salitang ito:
“Alam mo ang bait-bait mo. Okay ka…”
Ang mga salitang ito ang lalong bumasag ng tuluyan sa puso
ni Tikoy.
Isa sa mga mahihirap na pakiramdam ay ang kaibigan lang ang
tingin sa ‘yo ng taong minamahal mo. Daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa
sa bigat at tindi ng pighati na pwede mong maranasan.
In short, na-friend zone ka.
Madaming pwedeng ilarawan ang taong na-friend zone. Una, nagiging
manhid ito sa positibong pakiramdam tulad ng kahalagahan ng isang pagkikipag-kaibigan.
Pangalawa, Namamatay na sa mga inaakala niyang may pakiramdam din ang taong
‘yun tulad ng sa ‘yo pero mali
pala. Pangatlo, patuloy na umaasa kahit wala nang pag-asa (kahit nagmumukhang
tanga na), Pang-apat, patuloy na naghihintay kahit alam na walang patutunguhan
ang ginagawa. Panglima, sa sobrang pagka-torpe, nawawala ang tamang pagkakataon
at tiyempo. At ang panghuli, nagiging mangmang siya dahil sa niloloko na niya
ang kanyang sarili na manatiling magpantasya kaysa harapin ang katotohanan na
hanggang magkaibigan lang kayo.
Minsan ko nang naranansan ang ma- friend zone. Masakit,
mapait at higit sa lahat, talong-talo ako dahil nasupapal ako ng isang “jerk”
na sumakabilang buhay na. Nakuha ko nga ang best friend ko pero anong nangyari?
Nakasal naman ako ng di oras…
Tapos ngayon, nauulit na naman ang kabanatang ito sa
kasalukuyan. Mayroon akong isang “girlie” na nagpapasaya sa akin at nagbibigay
inspirasyon sa lahat ng aking ginagawa. Di ko nga alam kung bakit ako
nagpapakatanga sa kanya. Alam naman niya ang relationship status ko.
Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kaso
natatakot akong mauwi sa pagiging “friend” lang.
Kung sabagay, sa pagkakaibigan kami nagsimula, ngunit ayoko
naman na dito din kami magtapos. Tapos noong nalaman ko na may nanliligaw sa
kanya, nakaramadam ako ng selos. Kahit sabihin na magselos lamang nang naaayon
sa relationship status, para naman akong sinusuntok ng kaliwa’t-kanan sa mukha.
Hindi na talaga pwede… Kasi alam kong mali .
Pero sa tingin ko, mas mabuti na lang na di niya malaman
kahit di ko pa ako sigurado na hanggang friend zone lang kami. Kahit siya ang
pinapangarap kong makasama, hindi na pwede. Sapat na maging magkaibigan kami.
Ayoko din naman masira kung na man ang meron kami ngayon.
Masakit tanggapin ang katotohanan na “kung sinong mahal mo,
siya’ng ayaw sa ‘yo.” (parang ‘yung killer line sa kanta ng Smokey Mountain
na pinamagatang “Kahit Habambuhay”) Pero ganun talaga ang buhay eh… May mga
bagay o tao na gustuhin mo na maging bahagi ng buhay mo, hindi naman napupunta
sa ‘yo. Kahit naman gustuhin mo, hindi maari dahil may mga hadlang na maaaring
maging mitsa ng katapusan ninyong dalawa.
Hay…
Kahit siguro ilang beses na akong nagsusulat ng blog, di pa
din ako natututo sa mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Pero ganoon talaga eh.
Simple lang ang dahilan kung bakit – napakasarap kasi ang maging tanga
pagdating sa pag-ibig.
No comments:
Post a Comment