
Siguro naman naniniwala ka sa anghel. Hindi ko na kailangang ipaliwanang ang detalye tungkol sa may nilalang na may pakpak at halo sa ulo na nagmula sa langit. Mula sa makalumang panahon hanggang sa kasalukuyan, hindi nawala sa paniniwala ng mga tao ang mga anghel na tila sumalamin sa katotohaang totoo ang Diyos dahil sila ang nagsilbing bantay at gabay ng mga tao.
Pero iba ang interpretasyon ko sa anghel. Para sa akin, hindi ako naniniwala sa mga ito.
Hanggang isang araw may isang ganitong klase ng nilalang ang dumating sa buhay ko.
Tulad ng kwento na may ganitong tema, ang anghel ay dumadating sa hindi sinasadyang pagkakataon. Minsan, nagpapakita ito sa taong napili ng tadhana para sa kanya. Nagsisilbi siyang tulay sa mundo ng mga tao at Diyos at kung minsan, nagiging tagapagtanggol o gabay siya sa taong nakatadhana sa kanya. Pero may pagkakataon naman na isang beses lang siya nagpapakita ngunit panghabang-buhay na tumatatak sa gunita.
Ang anghel na tinutukoy ko ay isang tao. Pero ang katangian niya ay hindi nalalayo sa isang anghel. Dumating siya sa buhay ko sa hindi sinasadyang pagkakataon (o kaya mas sabihin natin na dumating siya sa maling pagkakataon). Sa kanyang mga mata na tila bituin na nagbibigay ningning sa madilim na gabi, may bahagi ng pagkatao ko na biglang nagbago sa akin... lalo na pagdating sa pananaw ko sa pag-ibig.
Akala ko noong una, sa mga libro at pelikula ko lang nakikita ang pag-ibig na kayang isugal ang lahat para sa kanyang minamahal. Para sa akin, isa itong malaking kalokohan. Sa aking mga karanasan, una kong iniisip ang sarili ko kapag nagmamahal ako. Sa madaling salita, "Self-centered" o makasarili ako dahil pansariling interes ko lang ang iniisip ko. Kaya nga, natuto akong makipaglaro sa mga babaeng dumaan sa buhay ko at nakita ko na pare-pareho lang sila.
Ngunit iba ang "anghel" na nagturo sa akin ng matinding aral pagdating sa pag-ibig.
Sinabi minsan ng batikan na manunulat na si Rudyard Kipling na "An angel descends from heaven for you to know yourself and your purpose in life." Pero kinontra ito ng sarkastikong T.V. host na si Ron Jeremy na "Angels are damn beings from heaven. Either you will be guided by them or you may get lost in your way to salvation."
Minsan daw kasi, mas naniniwala tayo sa angheldahil tulay sila ng Diyos sa atin.
Tama naman 'yun.
Pero ang anghel na dumating sa akin, itinuro niya na ang pag-ibig ay walang pinipiling edad, estado o pananaw sa buhay. Kapag nagmahal ka ng isang tao, may pagkakataon na tila isang biyaya mula sa lanigt ang dumating na daspat mong ipagpasalamat. Tama man o iali sa paningin ng iba ang inyong nararamdaman sa bawat isa, hangga't hindi kayo bumibitaw sa isa't-isa, nabubuo ang isang paninindigan na may pag-ibig sa mundo na hahamakin ang lahat.
(Grabe! Ang korny ko!)
Pero ganoon talaga ang pag-ibig. Korny ang magmahal. Korny ang ipaglaban mo ang pag-ibig na parang sugal na hindi mo alam kung mananalo o matatalo ka. Korny talaga kapag palagi siyang laman ng isip mo. Korny na nagseselos ka.
Ano naman kung korny?
Siya ang anghel na dumating sa buhay ko. Hindi ko man maipaliwanag ang tungkol sa kanya, hindi ko nakikitang nagmahal ako ng isang anghel. Para sa akin, Sapat na may isang anghel na nagturo sa akin na magmahal ng walang hanggan. Ayoko man aminin na "immature" ako pagdating sa ganitong bagay, siya ang dahilan kung bakit ko kailangang mabuhay sa mundo. Nagmarka na sa aking isip at puso ang ginawa niyang pagbabago sa buhay ko. Sa likod ng pagsubok na hinarap namin, nanatili siya sa akin. Hindi ako natatakot na kahit kaaway ko ang buong mundo, may isa akong tao na dapat ingatasn at protektahan kahit kapalit ang buhay ko. Higit sa lahat, hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya higit pa sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment