Sining.
Para itong pag-ibig, hindi natin alam ang eksaktong
interpretasyon nito sa bawat isang tao. Iba-iba ang pakuhulugan nito. Iba-iba
din ang opinyon dito. Iba-iba din ang nakakaintindi dito.Kamakailan, nanggaling ako sa Cultural Center of the Philippines. Sabi nga nang namayapang si Ninoy Aquino, ito ang “Pantheon” o “Acropolis” ng rehimeng Marcos (partikular para kay Imelda) dahil sagisag ito ng imortalidad ng madugo at nakakatakot na kasysayan ng pulitika sa bansa. Ngunit kung titingnan ito sa ibang prospektibo, mabuti na mayroon tayong ganitong klaseng lugar sapagkat dito nagsasama-sama at nagkikita-kita ang mga primyadong alagad ng sining sa bansa, Binibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong astist na ipakita sa maraming tao ang kanilang talent at paraan ng kanilang ekspresyon sa pamamagitan ng sining.
Ngunit nakakalungkot isipin na sa kasalukuyan ay parang nawawala na ang interes ng masa sa sining. Hindi tulad noong panahon na wala pang internet, cable channels at high-tech na gadgets, iba na an gang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa konsepto ng sining.
Ano nga ba talaga ang sining at kailan nagiging sining ang gawa ng isang tao?
Tulad ng sinabi ko kanina, hindi natin alam ang eksaktong interpretasyon nito sa bawat isang tao. Iba-iba ang pakuhulugan nito. Iba-iba din ang opinyon dito. Iba-iba din ang nakakaintindi dito.
Pero maiba ako ng tanong, may sining ka ba sa katawan?
Hindi ako tumutukoy sa kung ano ang estilo ng iyong pananamit, ang hilig mong musika o talento mo sa pagguhit, pagkanta, pagsayaw o pagsulat. Ang tinutukoy ko ay kung paano mo nabibigyang-halaga o pagpapahalaga sa isang ekspresyon ng tao sa pamamagitan ng siniing. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot dito. Kahit na inaamin ko na may sining ako sa katawan, hindi ko pa din lubos na mainitndihan ang mga paintings nina Picasso at Van Gogh gayundin ang mga musika nina Beethoven at Mozart pati ang mga tula nina Pablo Neruda at Leo Tolstoy. Pero ang alam ko sa sarili ko na gusto ko ang mga lyrics na ginawa ni Daniel Johns at Joey Ayala, song arrangement ng Radioactive Sago Projects, Pinikpikan at mga nobela F. Sionil Jose.
Tulad ng sinabi ko kanina, muli, hindi natin alam ang eksaktong interpretasyon nito sa bawat isang tao. Iba-iba ang pakuhulugan nito. Iba-iba din ang opinyon dito. Iba-iba din ang nakakaintindi dito.
Alam ko na may sining sa katawang ang bawat isa. Nasa sa atin lang kung paano natin ito ipapakita sa maraming tao upang mabago ang kanilang perspejtibo sa buhay. Gamitin natin ang sining upang tulungan an gating bansa. Imulat sila sa hindi maipaliwanag na elemento nito. Ibahagi sa mga taong pwedeng pumuna o pumuri dito.
Ang mundo ay isang malaking entablado o canvass. Marami tayong pwedeng gawin. Huwag kang matakot. Ito ay likas lang sa mga mapanlikhang-isip na mayroon tayo. Dapat lang natin itong ipakita, ibahagi, ipagmalaki at higit sa lahat, pagyamanin.
Tandaan ang kasabihan, ang taong walang sining sa katawan ay taong walang kaluluwa.