Masakit magamahal at iwan ng isang minamahal. Ngunit mas
higit na mas masakit kapag alam niyo na nagmamahal kayo at hindi masuklian nag
pagmamahal na inialay niyo sa kanya.
Nire-reciprocate ang pag-ibig. Hindi lang ikaw ang dapat
tumatanggap o nagbibigay. Dapat pareho mo itong ginagawa sa isang tao. Dahil
kung hindi, mas masakit ito sa damdamin.
May kasabihan sa Ingles na “Shame on you if you fool me
once, shame on me if you fool me twice.” Pero talagang may mga tanga lang
talaga pagdating sa pag-ibig. Kahit ilang beses na silang niloloko, nagpapaloko
pa din dahil nagbubulagan sa katotothanan na walang .
Pero may isang pangyayari sa buhay natin na gigising sa atin sa katotohanan at matatauhan sa mga
kabaliwan na ginawa natin.
Tulad ng isang kwento na ibabahagi sa inyo.
Matagal nang niloloko ni Gene ang kanyang boyfriend na si
Alvin. Dahil sa sikat at mataas na ang narrating ng babae bilang isang modelo.
Nabulag siya sa kasikatan na naging sanhi upang kalimtan at ipagpalit sa iba si
Alvin. Ilang beses na naghiwalay at nagkabalikan ang dalawa ngunit di pa din
nagbabago ang kanilang sitwasyon. Patuloy na namamalimos ng atensyon ang lalaki
sa kabila ng sakripisyo na ginawa at pagtalikod sa mga taong nagmamahal sa
kanya. Hanggang sa madiskubre niya ang katotohanan. Ngunit nagbubulag-bulagan
siya sa at paulit-ulit niyang sinasaksak sa puso niya na mahal pa siya ni Gene.
Ngunit ang totoo, wala na talagang nararamdaman ang babae sa kanya kahit
katiting.
Heto si Malen. Ang dating ginawang panakip-butas ni Alvin
kay Gene. Alam niya ang nangyayari sa buhay ni Alvin. Gusto niya itong iligtas
sa panlolokong ginagawa ni Gene. Kahit
na magkaibigan na lang sila, hindi siya nawala sa tabi ni Alvin. Mahal na mahal
niya ito at sa tuwing nakikitang malungkot o umiiyak si Alvin dahil kay Gene,
nahahati ang puso nito sa maraming bahagi. Ang kanyang tanging dasal ay
magising si Alvin sa katotohanan.
Isang gabi, nalaman ni Alvin ang buong katotohanan tungkol
sa bagong boyfriend ni Gene. Puro kasinungalingan ang narinig niya sa babae at
nahahalata na din nya na lumalayo sa sa kanya si Gene. Nawala sa sarili si
Alvin hanggang sa nagdesisyon siya na wakasan niya ang buhay niya. Uminom siya
ng lason, nagdilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay.
Nang nagising si Alvin, akala niya patay na siya. Nalaman
niya na isinugod siya sa ospital ni Malen kasama ang isang kaibigan. Sa
pangyayaring iyon, napaisip ng malalim si Alvin. Tinanong niya sa kanyang
sarili kung bakit niya ito nagawa. Umiyak siya ng puno ng pagsisi at galit sa
sarili. Isang malaking kamalian ang nagawa niya sa buhay niya.
Hanggang sa nagdesisyon na siya na tapusin na ng tuluyan ang
lahat sa kanila ni Gene. Tumatawag siya sa celphone ngunit di siya sumasagot.
Siguro ay nagdesisyon na din si Gene at sumuko na kay Alvin matapos na
mabalitaan ang nangyari sa kanila. Doon pa lang, alam na ni Alvin kung kanino
niya dapat ilaan ang puso niyang uhaw sa pagmamahal.
Ika-14 ng Pebrero, taong kasalukuyan, Lumapit si Alvin kay
Malen upang humingi ng tawad sa mga kasalanang ginawa niya. Ngunit naunahan
siya ng babae. Kasama ang mga tao sa paligid, lumuhod ang babae sa kanya,
nagbigay ng rosas at lumuha at sinabing “Tanggapin mo ang rosas na ito tulad ng
pagtanggap mong muli sa akin.” Buo na ang desisyon ni Malen na lunukin ang
kanyang pride para kay Alvin.
Lumapit si Alvin, itinayo si Malen na humahagulgol, niyakap
at binulong sa kanya ang mga sumusunod pangungusap.
“Noong nag-aagaw buhay ako, dalawang tao ang nakita ko sa
panaginip ko. Pareho silang nalulunod. Hindi ko alam kung sino ang ililgtas ko.
Sumisigaw ang isa na iligtas ko siya. Ngunit ang isa ay sumisigaw na iligtas ko
ang isang babae. Alam mo, iniligtas ko ang babaeng nagsasabing iligtas ko ‘yung
isang babaeng nalulunod.
“Bakit?” tanong ni Malen.
“Kailanaman hindi ka sumuko sa akin. Kahit alam mo na
nahihirapan ako, hindi mo ako iniwan. Nasakatan ka, nagtiis at higit sa lahat,
minahal mo ako kung ano ako, kung sino ako, kung ano ang nakaraan ko, at kung
ano ang mga pagkakamali at kahinaan. Naging tanga ako kahit na alam ko na
nasasaktan ka sa akin dahil minamahal ko ang isang tao na hindi masuklian ang
pagmamahal ko sa kanya. Pero iba ka, hindi mo iniisip ang sarili mo.”
Lumuhod si Alvin kay Malen. Umiiyak at punong-puno ng
pagsisisi at sinabi ito. “Can you be my Valentine… for life?”
At ang sumunod na pangyayari ay umukit na sa kasaysayan ng
paaralan.
"Ikaw ang babaeng nalulunod na iniligtas ko. Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang ililigtas sa kalungkutan at sakit na pinapasan mo nang dahil sa akin." wika ni Alvin.
Sa buhay, natatauhan o naliliwanagan tayo sa isang katotohan
kapag may isang tao na nagpamulat sa atin ditto. Sa kaso ni Malen at Alvin,
hindi ito nalalayo sa kwento ng bawat isa sa atin. Nagmamahal tayo ngunit may
pagkakataon na nagmamahal din sila ng iba. Gayundin, may nagmamahala din sa atin
na iba na mas nakakahigit kaysa sa una. Ito ay isang kwento ng kaliwanagan sa
mga bagay-bagay tungkol sa pag-ibig na dapat nating isabuhay.
Kung magmamahal ka, okay lang na magmukhang tanga… dahil mayroon
lang sa paligid na nagpapakatanga sa ‘yo… At siya ang tunay na nagmamahal sa ‘yo.
No comments:
Post a Comment