Noong nakaraang Ika-21 ng Oktubre, araw ng Linggo ay
ipinagdiwang ng buong sambayanang Katolika Romano ng Pilipinas ang pagiging
Santo ni Pedro Calungsod, isang Pilipino na ibinuwis ang kanyang buhay
alang-alang sa kanyang matibay na pananampalataya kay Kristo. Inihanay siya sa
mga banal at gagawing patron ng mga kabataan at OFW (Overseas Filipino
Workers). Nagbunyi ang bawat parokya at mga deboto sa iba’t-ibang panig ng
mundo sa pagkahirang ni San Pedro Calungsod. Muli na naman pinatunayan n gating
laho na tayo ay isang matatag at matapang na alagad ng Diyos.
Ang pagkakahirang kay San Pedro Calungsod sa lunsod ng Vatican ay napapanahon sa henerasyon n gating bansa na
humuhuna ang pananamapalataya at tiwala sa Panginoon. Kahit ako, nakakaramdam
din ng kahinaan at nagiging makasalanan sa bawat hakbang na aking ginagawa.
Nang malaman ko ang buhay, kamatayan at tagumpay ng batang Bisaya sa Guam, napgtanto ko na hindi mo kailangan maging matalino
o mayaman upang maging santo tulad ng iba. Kahit karaniwang tao na may lakas ng
loob upang ikalat ang mabuting balita ng Panginoon na handang ialay ang buhay
ay sapat na upang maging santo.
Ngunit tulad ni San Pedro, wala naman siyang plano na maging santo. Sa
katunayan, ginawa lang niya ang kanyang papel sa kasysayan ng Simbahang
Katolika na maging lingkod ni Jesus. Ito marahil ang nakakalimutan ng mga
kabataan sa kasalukuyan. Sa mundo na napapalibutan ng mabilis na impormasyon,
makabagong teknolohiya at ideolohiya, nakakalimot na ang nakakarami sa atin na
lumapit, magpasalamat at magbalik-loob sa Diyos.
Ginawa ni San Pedro Calungsod ang isang payak na pamumuhay
ng isang tipikal na Pilipino – ang gawing sentro ng buhay si Kristo at
tanggapin Siya bilang manunubos at dakilang Messiah na magbabalik sa wakas ng
panahon.
Si San Pedro Calungsod marahil ang ginamit ng Panginoon
upang muling imulat ang ating bansa sa tunay na pagbabago. Hindi sapat ang
pamahalaan at mga plataporma nito sa pagbabago. Hangga’t may alagd ng demonyo
na naglilingkod sa tao, hindi mawawala ang karahasan at kasamaan sa ating bansa.
Hindi ko naman hinihiling na mamatay sila o kaya makulong… Nawa’y makita nila
sa kanilang puso si San Pedro Calungsod nang sa ganoon ay maliwanangan sila sa
kanilang ginagawa. Kahit naman sino, dapat ay matagpuan nila si San Pedro
Calungsod sa kanilang puso, Kristiyano man sila
o hindi.
Ang kanyang ginawa sa Pilipinas at sa buong mundo ay
katangi-tangi tulad ng iba pang mga santo at mga beato.
Isang paalala nawa para sa ating lahat ag paghihirang bilang
isang santo ni Pedro Calungsod. Hindi niya siguro hinihiling na sambahin siya o
bigyan ng magarbong fiesta. Hinihihiling niya na magbalik-loob ang bawat
Pilipino sa Panginoon nang sa ganoon ay tuluyan nang maghilom ang sugat n
gating nagdarahop na bayan. Kasabay na din sana nito ay ang tuluyang pagbabago at
kaunlaran na matagal na nating tinatamasa. Ang bawat dasal, hiling at
kapatawaran na hihilingin natin sa kanya ay hindi sana matapos sa simbahan lang
kundi sa isip, sa salita at sa gawa ay ating maisabuhay.
No comments:
Post a Comment