Sa bawat balitang napapanood sa telebisyon, naririnig sa
radyo, at nababasa sa diyaryo o internet, talagang nakakabahala na ang mga
krimen tulad ng pagnanakaw, pagpatay, panununog, pang-aabuso sa kalikasan o
kapangyarihan ng mga kinauukulan at kaliwa’t kanang isyu sa gobyerno. Hindi ko
maiwasang mabahala at matakot sa mga nangyayari.
Hindi natin maitatanggi na balot na ng tension ang ating
bansa.
Ngunit sa aking pagmumuni-muni at obserbasyon, nakikita ko
ang ugat ng lahat…
Malapit na ang eleksyon!
Mulat ako mula pa noong pagkabata sa mga nangyayari tuwing
sasapit na ang halalan sa bansa. Nariyan ang sunod-sunod na patayan partikular
na sa mga taong kalahok omay kaugnayan sa mga tatakbo sa isang posisyon. Isa na
dito ay si Bobby Dacer na noong nag-aaral pa ako ng medisina ay nabalitaang
pinatay sa Indang. Hindi lang siya ang mga kawawang tao na biktima ng madugong
halalan sa bansa… marami pang iba.
Kung minsan naman, sinusunog ang palengke dahil malaking
pondo ang maaaring ilabas nito sa gobyerno dahilan upang makakalap ng malaking
pera ang mga gahamang pulitikong ang tanging alam na hanapbuhay ay kurakutin
ang pondo ng bayan. May iba naman na sinusunog ang opisina ng munisipyo o
COMELEc para solb na sol bang kanilang pandarayang pinaplano. Kung anuman ‘yun,
walang nakakaaalam.
May ibang magnanakaw o sindikato ay may kaugnayan sa mga
tatakbong pulitiko sa halalan. Ika nga ng isang kasabihan na “Elephant on the
room,” masyado nang lantaran ang ganitong sistema ng mga pulitiko pagdating sa
pangangalap ng pera. Alam na ng tao ang ganitong sistema, ngunit dahil
protektado sila, walang magawa ang mga may kapangyarihan na kung minsan
(partikular na ang mga putang-inang pulis) ay kasabwat pa. Nariyan ang kidnap
for ransom, pagpapakalat ng pekeng pera, pagkakaroon ng iligal na pasugalan at
pagtutulak ng droga.
MAs matindi pa sila sa mga umeepal na nagpapagawa ng
tarpaulin na may nakasulat na “Greetings from ____________________.” Malay
natin, baka isa sila sa mga protector o mastermind ng binabanggit kong krimen.
At kapag sumapit na ang anim na buwan bago mag-halalan,
susulpot na sila, makikipag-kamay, makikihalubilo sa mga mahihirap at
mangangako tulad ng isang kasintahang walang kasiguraduhan. Nakikisawsaw sa mga
isyung walang kinalaman. At higit sa lahat, gagawin ang lahat ng gimik o estilo
para makaakit ng boto sa masamang paraan.
Parang pakiramdam nila, malaki ang utang na loob natin sa
kanila (lalo na sa mga re-electionist).
Hello! Pera niyo ang ginaagamit namin!
Hindi ko nilalahat ang mga pultikong gumgawa ng
kabalastugan. Ngunit sa sitwasyon na mayroon tayo pagdating sa eleksyon,
mahirap turuan ang mga kapwa-Pilipinong maging matalino pagdating sa mga
pulitikong gustong manalo na may maitim na budhi. Pera lang kasi ang katapat nila
kapalit ng anim na taong paghihikahos.
Mahiya naman kayo kay Robredo!
Posisyon lang ba ang gusto nilang makuha o ang leeg ng bawat
mamayang nagtitiis sa mabahong sistema ng gobyerno?
Tuwid na daan, nasaan na?
Kahit malayo pa ang halalan, mag-isip ka na ng dapat mong
gawin upang mabago ang lahat. Wala ka mang laban sa mga mandaraya, siguraduhin
mong protektado ang boto mo. Bantayan mo kung maaari. Huwag magpasilaw sa pera
at aralin ang plataporma ng mga tatakbo.
Pero iba na talaga kapag may pera…
Lahat ng pagbabagong inaasam mo ay imposible ngayong
eleksyon at sa mga sususnod pang eleksyon kung paiiralan ang pagka-gahaman o
ganid sap era. Alisin na ang sistemang “por pabor” dahil ito ang dahilan kung
bakit inaamag na ang upuan na nasa gobyerno na hindi nagagamit ng maayos.
Eleksyon na kasi… kaya humanda ka na!
No comments:
Post a Comment