Wednesday, October 31, 2012

Epiko 37: "Nakaka-miss Ang Suman Kapag Undas"

Natatandaan ko pa noong bata pa ako na tuwing sasapit ang huling araw ng Oktubre at unang araw ng Nobyembre...

Pumupunta ako sa bahay ng lola ko. Abala ang mga tita ko sa paggawa ng suman, biko at iba't-ibang klase ng kakanin samantalang ang mga tito ko kasama ng mga iba kong pinsan ay nagkukwentuhan tungkol sa mga kababalaghan. Sa gitna ng aming pag-uusap ay dadating ang mga kabataan para "mangaluluwa," isang tradisyon na kung saan mag-aalay sila ng kanta. Sa halip na pera ang ibayad, suman, biko, puto o kahit na anong klase ng kakanin ang kanilang tatanggapin. Ayon sa kasabihan, kapag hindi mo binigyan ang mga taong "nangangaluluwa," may isang bagay ang mawawala sa iyo.

Kinabukasan, umaga pa lang ay nasa sementeryo na kami. Maghapon kami doon. Pinag-uusapan lang ang mga panahon na buhay pa ang mga kaanak namin na nasa nitso. Siyempre, baon namin ang suman at iba pang kakanin. Masaya at punong-puno ng alaala ang mga panahon na 'yon.

Ngunit sa paglipas ng panahon, halos nabura na sa tradisyon namin ang paghahain ng suman tuwing Undas. Sa halip, napalitan ito ng "trick or treat", Halloween Party at kong anu-ano pang pagdiriwang. Malaki ang nagagastos pagdating sa costume, pagkain at mga palamuti. Grabe! Nang umuwi ako ng Silang, akala ko may shooting ng music video ni Michael Jackson na "Thriller" sa dami ng mga nakasuot ng nakakatawa (hindi sila mukhang nakakatakot) at burarang costume.

Minsan ko silang tinanong na "May suman ba sa inyo?" Ang sabi nila "Wala." Medyo nalungkot ako dahil nawawala na ang tunay na tradisyon na pagdiriwang ng Undas. Sa halip na magdasal para sa mga kaluluwa ng mga namayapa, mas abala pa sila sa Halloween Party at kung pumunta man sila ng sementeryo, saglit na saglit lang at puro payabanagan ang usapan.

Hindi ba dapat mas maalala ang araw na ito para sa mga namayapa at hindi para sa mga nakakatakot nakakasindak na imahe ng kababalaghan?

Tulad ng Pasko, Bagong Taon, Rizal Day, Todos Los Santos at kung anu-ano pang holiday na kulay pula sa kalendaryo, isipin natin ang kahalagahan ng okasyon na ito. Minsan nating nakapiling ang mga mahal natin sa buhay na namayapa kaya ilaan natin ito sa kanila. Tulad ng suman, nakadikit pa din sa ating gunita ang mga masasakit na sandali noong sila ay pumanaw. Ngunit dahil may asukal, matamis ang iniwan nilang paalala sa atin na tayo ay tao lang... babalik at babalik sa ating pinanggalingan.


Monday, October 22, 2012

Epiko 36: “Viva Señor Pedro Calungsod!”


Noong nakaraang Ika-21 ng Oktubre, araw ng Linggo ay ipinagdiwang ng buong sambayanang Katolika Romano ng Pilipinas ang pagiging Santo ni Pedro Calungsod, isang Pilipino na ibinuwis ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang matibay na pananampalataya kay Kristo. Inihanay siya sa mga banal at gagawing patron ng mga kabataan at OFW (Overseas Filipino Workers). Nagbunyi ang bawat parokya at mga deboto sa iba’t-ibang panig ng mundo sa pagkahirang ni San Pedro Calungsod. Muli na naman pinatunayan n gating laho na tayo ay isang matatag at matapang na alagad ng Diyos.

Ang pagkakahirang kay San Pedro Calungsod sa lunsod ng Vatican ay napapanahon sa henerasyon n gating bansa na humuhuna ang pananamapalataya at tiwala sa Panginoon. Kahit ako, nakakaramdam din ng kahinaan at nagiging makasalanan sa bawat hakbang na aking ginagawa. Nang malaman ko ang buhay, kamatayan at tagumpay ng batang Bisaya sa Guam, napgtanto ko na hindi mo kailangan maging matalino o mayaman upang maging santo tulad ng iba. Kahit karaniwang tao na may lakas ng loob upang ikalat ang mabuting balita ng Panginoon na handang ialay ang buhay ay sapat na upang maging santo.

Ngunit tulad ni San Pedro, wala naman siyang plano na maging santo. Sa katunayan, ginawa lang niya ang kanyang papel sa kasysayan ng Simbahang Katolika na maging lingkod ni Jesus. Ito marahil ang nakakalimutan ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa mundo na napapalibutan ng mabilis na impormasyon, makabagong teknolohiya at ideolohiya, nakakalimot na ang nakakarami sa atin na lumapit, magpasalamat at magbalik-loob sa Diyos.

Ginawa ni San Pedro Calungsod ang isang payak na pamumuhay ng isang tipikal na Pilipino – ang gawing sentro ng buhay si Kristo at tanggapin Siya bilang manunubos at dakilang Messiah na magbabalik sa wakas ng panahon.

Si San Pedro Calungsod marahil ang ginamit ng Panginoon upang muling imulat ang ating bansa sa tunay na pagbabago. Hindi sapat ang pamahalaan at mga plataporma nito sa pagbabago. Hangga’t may alagd ng demonyo na naglilingkod sa tao, hindi mawawala ang karahasan at kasamaan sa ating bansa. Hindi ko naman hinihiling na mamatay sila o kaya makulong… Nawa’y makita nila sa kanilang puso si San Pedro Calungsod nang sa ganoon ay maliwanangan sila sa kanilang ginagawa. Kahit naman sino, dapat ay matagpuan nila si San Pedro Calungsod sa kanilang puso, Kristiyano man sila  o hindi.
Ang kanyang ginawa sa Pilipinas at sa buong mundo ay katangi-tangi tulad ng iba pang mga santo at mga beato.

Isang paalala nawa para sa ating lahat ag paghihirang bilang isang santo ni Pedro Calungsod. Hindi niya siguro hinihiling na sambahin siya o bigyan ng magarbong fiesta. Hinihihiling niya na magbalik-loob ang bawat Pilipino sa Panginoon nang sa ganoon ay tuluyan nang maghilom ang sugat n gating nagdarahop na bayan. Kasabay na din sana nito ay ang tuluyang pagbabago at kaunlaran na matagal na nating tinatamasa. Ang bawat dasal, hiling at kapatawaran na hihilingin natin sa kanya ay hindi sana matapos sa simbahan lang kundi sa isip, sa salita at sa gawa ay ating maisabuhay.

Sunday, October 14, 2012

Epiko 35: "Ramdam Na ang Eleksyon 2013"


Sa bawat balitang napapanood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa sa diyaryo o internet, talagang nakakabahala na ang mga krimen tulad ng pagnanakaw, pagpatay, panununog, pang-aabuso sa kalikasan o kapangyarihan ng mga kinauukulan at kaliwa’t kanang isyu sa gobyerno. Hindi ko maiwasang mabahala at matakot sa mga nangyayari.

Hindi natin maitatanggi na balot na ng tension ang ating bansa.

Ngunit sa aking pagmumuni-muni at obserbasyon, nakikita ko ang ugat ng lahat…

Malapit na ang eleksyon!

Mulat ako mula pa noong pagkabata sa mga nangyayari tuwing sasapit na ang halalan sa bansa. Nariyan ang sunod-sunod na patayan partikular na sa mga taong kalahok omay kaugnayan sa mga tatakbo sa isang posisyon. Isa na dito ay si Bobby Dacer na noong nag-aaral pa ako ng medisina ay nabalitaang pinatay sa Indang. Hindi lang siya ang mga kawawang tao na biktima ng madugong halalan sa bansa… marami pang iba.

Kung minsan naman, sinusunog ang palengke dahil malaking pondo ang maaaring ilabas nito sa gobyerno dahilan upang makakalap ng malaking pera ang mga gahamang pulitikong ang tanging alam na hanapbuhay ay kurakutin ang pondo ng bayan. May iba naman na sinusunog ang opisina ng munisipyo o COMELEc para solb na sol bang kanilang pandarayang pinaplano. Kung anuman ‘yun, walang nakakaaalam.

May ibang magnanakaw o sindikato ay may kaugnayan sa mga tatakbong pulitiko sa halalan. Ika nga ng isang kasabihan na “Elephant on the room,” masyado nang lantaran ang ganitong sistema ng mga pulitiko pagdating sa pangangalap ng pera. Alam na ng tao ang ganitong sistema, ngunit dahil protektado sila, walang magawa ang mga may kapangyarihan na kung minsan (partikular na ang mga putang-inang pulis) ay kasabwat pa. Nariyan ang kidnap for ransom, pagpapakalat ng pekeng pera, pagkakaroon ng iligal na pasugalan at pagtutulak ng droga.

MAs matindi pa sila sa mga umeepal na nagpapagawa ng tarpaulin na may nakasulat na “Greetings from ____________________.” Malay natin, baka isa sila sa mga protector o mastermind ng binabanggit kong krimen.

At kapag sumapit na ang anim na buwan bago mag-halalan, susulpot na sila, makikipag-kamay, makikihalubilo sa mga mahihirap at mangangako tulad ng isang kasintahang walang kasiguraduhan. Nakikisawsaw sa mga isyung walang kinalaman. At higit sa lahat, gagawin ang lahat ng gimik o estilo para makaakit ng boto sa masamang paraan.

Parang pakiramdam nila, malaki ang utang na loob natin sa kanila (lalo na sa mga re-electionist).

Hello! Pera niyo ang ginaagamit namin!
Hindi ko nilalahat ang mga pultikong gumgawa ng kabalastugan. Ngunit sa sitwasyon na mayroon tayo pagdating sa eleksyon, mahirap turuan ang mga kapwa-Pilipinong maging matalino pagdating sa mga pulitikong gustong manalo na may maitim na budhi. Pera lang kasi ang katapat nila kapalit ng anim na taong paghihikahos.

Mahiya naman kayo kay Robredo!

Posisyon lang ba ang gusto nilang makuha o ang leeg ng bawat mamayang nagtitiis sa mabahong sistema ng gobyerno?

Tuwid na daan, nasaan na?

Kahit malayo pa ang halalan, mag-isip ka na ng dapat mong gawin upang mabago ang lahat. Wala ka mang laban sa mga mandaraya, siguraduhin mong protektado ang boto mo. Bantayan mo kung maaari. Huwag magpasilaw sa pera at aralin ang plataporma ng mga tatakbo.

Pero iba na talaga kapag may pera…

Lahat ng pagbabagong inaasam mo ay imposible ngayong eleksyon at sa mga sususnod pang eleksyon kung paiiralan ang pagka-gahaman o ganid sap era. Alisin na ang sistemang “por pabor” dahil ito ang dahilan kung bakit inaamag na ang upuan na nasa gobyerno na hindi nagagamit ng maayos.

Eleksyon na kasi… kaya humanda ka na!

Tuesday, October 2, 2012

Epiko 34: "Republic Act No. 10175 vs. The Emong Chronicles"



Sa panahon na umiiral ang mabilis, mura at komportableng pakikipag-komunikasyon, nararamdaman na natin ang kaibahan ng buhay noon at ngayon. Bilang isang tao na nabuhay sa dekadang otsenta, nagkaisip sa dekada nobenta at naging tunay na tao sa dekada natin sa kasalukuyan. Masasabi ko na ang laki ng pinagbago ng lahat.
Kamakailan lang ay laman ng lahat ng pahayagan, balita sa radyo at telebisyon ang  Republic Act No. 10175 o ang “Cybercrime Act.” (kung tutuusin ay talagang binasa koi to para maintindihan ko ang ikinapuputok ng butse ng nakakarami.)
Tulad ng nakasanayan, dapat akong magsalita sapagkat baka ito na ang huli kong blog kapag nagkataon.

Ayon sa Republic Act No. 10175 Chapter II, SEC  6:
 Cyber-squatting. – The acquisition of a domain name over the internet in bad faith to profit, mislead, destroy reputation, and deprive others from registering the same, if such a domain name is:
(i) Similar, identical, or confusingly similar to an existing trademark registered with the appropriate government agency at the time of the domain name registration:
(ii) Identical or in any way similar with the name of a person other than the registrant, in case of a personal name; and
(iii) Acquired without right or with intellectual property interests in it.

Mmmmmm…
Naintindihan mo ba?
Eto naman… subukan mong intindihin.

SEC. 16. Custody of Computer Data. — All computer data, including content and traffic data, examined under a proper warrant shall, within forty-eight (48) hours after the expiration of the period fixed therein, be deposited with the court in a sealed package, and shall be accompanied by an affidavit of the law enforcement authority executing it stating the dates and times covered by the examination, and the law enforcement authority who may access the deposit, among other relevant data. The law enforcement authority shall also certify that no duplicates or copies of the whole or any part thereof have been made, or if made, that all such duplicates or copies are included in the package deposited with the court. The package so deposited shall not be opened, or the recordings replayed, or used in evidence, or then contents revealed, except upon order of the court, which shall not be granted except upon motion, with due notice and opportunity to be heard to the person or persons whose conversation or communications have been recorded.

SEC. 17. Destruction of Computer Data. — Upon expiration of the periods as provided in Sections 13 and 15, service providers and law enforcement authorities, as the case may be, shall immediately and completely destroy the computer data subject of a preservation and examination.
SEC. 18. Exclusionary Rule. — Any evidence procured without a valid warrant or beyond the authority of the same shall be inadmissible for any proceeding before any court or tribunal.
SEC. 19. Restricting or Blocking Access to Computer Data. — When a computer data is prima facie found to be in violation of the provisions of this Act, the DOJ shall issue an order to restrict or block access to such computer data.
SEC. 20. Noncompliance. — Failure to comply with the provisions of Chapter IV hereof specifically the orders from law enforcement authorities shall be punished as a violation of Presidential Decree No. 1829 with imprisonment of prision correctional in its maximum period or a fine of One hundred thousand pesos (Php100,000.00) or both, for each and every noncompliance with an order issued by law enforcement authorities.

Tapos ngayon paba-black profile picture ka sa facebook?

Kung tutuusin maganda ang panukala. Kaso para sa mga umeepal ng maaga sa eleksyon, “big deal” ito sa kanlia dahil malamang ay pagti-tripan na naman sila ng mga netizens. Kung sa ordinaryong tao, wala itong epekto. Pero sa mga katulad namin na malayang nakakagawa ng mga bagay sa internet, malaking problema ito sa amin. Kung mangungurakot o gusto niyong gawing business ang pulitika, huwag kayong mandamay ng mga katulad naming na malayang nagagawa ang lahat sa internet. 
Hinahayaan namin kayong gawin ang trabaho niyong magpalaki ng tiyan… kaya hayaan niyo kaming babuyin naming kayo sa paraan na kaya namin.

Hindi naman siguro masama kung ipadama mo na tutol ka sa panukalang ito. Makulong na kung makulong o magmulta kung magmumulta. Pero kapag nanaig ang panukalang ito, natitiyak ako na katapusan na ng demokrasya ng bansa.