Sunday, April 29, 2012

Epiko 20: "Si Juan Dela Cruz at Ang Dragon"

Ang issue ng Scarborough Shoal at ang walang kamatayang pag-aaway sa isla ng Spratley ay isa sa mga matatagal na problema ng ating bansa pagdating sa pakikipag-relasyon sa bansang China. Hanggang ngayon, hindi pa din ito natutuldukan sa kadahilanang maramaing perspektibo ang dapat tingnan upang masolusyunan ang problemang ito. Halimbawa, kapag iginiit natin ang pag-angkin sa maliit na isla ng Spratley, magkakaroon ng malaking gulo sa kadahilanang hindi lang tayo "daw" ang umaangkin nito. Pero sa lahat ng bansang nagsasabi na "amin 'yan!", ang China ang kinatatakutan.

 Para sa inyong kaalaman, ang China ay tinaguriang "Sleeping Dragon of Asia." Ibig sabihin, makapangyariahan at malakas ang pwersa ng bansang ito pagdating sa militar, ekonomiya, teknolohiya at politikal na aspeto. Halos 70% ng bansa sa buong Asya ay nakikipag-kalakalan dito. Ibig sabihin, hindi mabubuhay ang mga "second" at "third" world countries kung wala ang China. Kahit noong panahon na hindi pa nabubuhay si Kristo, nakikipagkalakalan na tayo sa mga Intsik. Kung tutuusin nga, isa sila sa mga nagpayaman ng kulturang Pilipino. Natuto tayong kumain ng pancit, siopao at tikoy. Natuto tayong magnegosyo ng tingi (kaya nga tayo nagkaroon ng sari-sari store). Pagdating sa sining at arkitekto, nadaplisan tayo ng mga ito. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Chinatown ang bawat bansa sa daigdig (at tayo ang unang nagkaroon nito). Sa kasalukuyan, malaki ang papel ng China sa ating ekonomiya. Kapag pumunta ka sa Divisoria, makikita mo na malaking porsiyento ng mga mamumuhunan dito ay mga Intsik. Kahit pumunta ka pa sa Makati, majority ng mga investors doon ay mga Intsik. Kahit ang mga ginagamit mo na  computer parts, celphone, de lata, sapatos, tela, plastic... at kahit shabu galing sa China.

Kaya nga hindi makapalag ang bansa natin kapag may mga hi-tech na barkong pandigma ang umaaligid sa Scarborough Shoal at Spratley. Kasi Sa oras na pumalag tayo, baka maging republika tayo ng China ng hindi sinasadya. Kahit may "Balikatan Exercises" pa tayo kasama ang mga Amerikano, tinapatan naman tayo ng mga Intsik kasama ang mga Russians. Mukhang hindi din naman papalag si Obama sa mga Intsik dahil kung titingnan ang status ng dalawang bansa ay di hamak na mas mataas ang China sa U.S. Kung sa tingin niyo na hindi nagpa-panic ang bansa natin, pwes nagkakamali kayo. Ang totoo, wala nang magawang hakbang si Noy-Noy Aquino sa sitwasyong ito.

Isa na lang ang solusyon niya - ang idulog ang problemang ito sa International Tribunal for the Sea. Pero hawak ng Intsik ang nasabing tribunal. Bilang Pilipino? Anong gagawin mo? Hindi ka bibili ng produktong "Made In China?"

Kapag ginawa mo 'yun, para ka na din naglason sa sarili. Ang isyung ito ay walang tiyak na patutunguhan. Kung ano man ang kahinatnan nito sa paglipas ng panahon, tandaan natin na may mga bagay na dapat o hindi dapat ipaglaban. Ang tensyon natin sa China ay hindi basta-basta krisis. Dapat isiping mabuti ng pamahalaan ang tamang hakbang at magdesisyon bilang isang matatag na republika para sa ikabubuti ng dalawang bansa. Nakakalingkot mang isipin pero bilang mga Pilipino, wala tayong magawa sa problemang ito.

No comments:

Post a Comment