Monday, April 30, 2012
Epiko 21: "Kontratasismo"
Kontrata
Isa itong kasulatan na kung saan nagkakaroon ng kasunduan ang dalawang panig tungkol sa mga kundisyon at patakaran para magkaroon ng magandang transakyon pagdating sa trabaho o negosyo. Mahalaga ang kasulatang ito dahil magkakaroon ng pagkakaintindihan ang magkabilang panig at kung hindi man, ito ang magiging batayan para sampahan o putulin ang ugnayan ng dalawang tao.
Sa aking karanasan bilang isang "contractual employee," nakikita ko malaki ang epekto ng kontraktwalisasyon. Una, hindi nagkakaroon ang nakakaraming Pilipino ng permaneteng trabaho. Kung tutuusin nga, ang pangunahing pangangailangan ng mga kababayan natin ay trabaho. Ngunit dahil mabigat sa bulsa ang pagre-regular ng isang empleyado (lalo na pagdating sa benepisyo), mas praktikal para sa mga mamumuhunan ang magkaroon ng lima o anim na buwan na nagtatrabahong empleyado. 80% ng manggawang Pilipino ang nasa ilalim ng pansamantalang kontrata para makatawid sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Pangalawa, pagdating sa sikolohiyal na aspeto, malaki ang epekto ng kontraktwalisasyon sa "mindset" ng mga Pilipino. Ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines - College of Psychology, isa ito sa mga dahilan sa hindi pagseryoyso sa trabaho (Ano pa kasi ang saysay mo sa isang trabaho kung hindi ka naman magtatagal di ba?), nawawalan ng pagkakataon na mag-ipon o mag-negosyo, at nakakababa ng kumpyansa sa sarili (Hindi naman kasi ikaw ang makikinabang ng matagalan dahil may kontrata ka).
Sa kasalukuyan, isinusulong sa kamara ang isang batas upang itigil ang kontraktwalisasyon sa mga kumpanya at ahensya ng pamahalaan. Ngunit maraming mamumuhunan at tutol dito sa kadahilanang hindi ito praktikal na aksyon upang mapabuti ang antas ng kanilang negosyo o pinuhunan. Ngunit sa kabilang banda, marami pa din sa mga kababayan natin ang tila naghahanap ng karayom sa isang ektaryang damuhan upang makahanap ng trabaho - kahit alam nila na ito ay pansamantala lamang. Napakaswerte mo kung nasa gobyerno ka dahil bukod sa nagpapalaki ka ng dragon sa tiyan habang walang ginagawa, madadagdagan pa ang sweldo mo.
Kaya nga taon-taon kapag dumadating ang unang araw ng Mayo, nagsasama-sama ang mga manggagawang handang ibuwis ang buhay para sa matagalang pagbabago. Halos mamatay na nga sila para ilaban ang P125.00 na dagdag sweldo sa mga pribadong sektor. Gusto nilang buwagin ang kontraktwalisasyon - ang sinasabing praktikal na paraan ng mga mamumuhunan. Ngunit wala pa din nangyayari. Praktikal kasi ang mga Pilipino kaya nga lahat ay ginagawa niyang praktikal - kahit na malaki ang naghihirap. Kung may kontrata lang sana ang buhay ng tao, baka marami na ang nag-endo (end of contract) o AWOL (absence without leave).
Ang Araw ng Paggawa ay nagpapaalala sa atin na may malaking kanser sa lipunan natin lalo na pagdating sa trabaho. Nasa sa 'yo kung paano ito gagamutin o hahanapan ng lunas. Habang nagta-trabaho ka na may "regular" ang sahod, maliwanag sana ang isip mo tungkol sa isyu na ito. Dahil kung hindi, praktikal ka din tulad ng naghaharing uri sa gobyerno at ekonomiya na ang tanging gamit lang para masukol ang masa ay isang pirasong papel na may pirma.
Sunday, April 29, 2012
Epiko 20: "Si Juan Dela Cruz at Ang Dragon"
Ang issue ng Scarborough Shoal at ang walang kamatayang pag-aaway sa isla ng Spratley ay isa sa mga matatagal na problema ng ating bansa pagdating sa pakikipag-relasyon sa bansang China. Hanggang ngayon, hindi pa din ito natutuldukan sa kadahilanang maramaing perspektibo ang dapat tingnan upang masolusyunan ang problemang ito. Halimbawa, kapag iginiit natin ang pag-angkin sa maliit na isla ng Spratley, magkakaroon ng malaking gulo sa kadahilanang hindi lang tayo "daw" ang umaangkin nito. Pero sa lahat ng bansang nagsasabi na "amin 'yan!", ang China ang kinatatakutan.
Para sa inyong kaalaman, ang China ay tinaguriang "Sleeping Dragon of Asia." Ibig sabihin, makapangyariahan at malakas ang pwersa ng bansang ito pagdating sa militar, ekonomiya, teknolohiya at politikal na aspeto. Halos 70% ng bansa sa buong Asya ay nakikipag-kalakalan dito. Ibig sabihin, hindi mabubuhay ang mga "second" at "third" world countries kung wala ang China. Kahit noong panahon na hindi pa nabubuhay si Kristo, nakikipagkalakalan na tayo sa mga Intsik. Kung tutuusin nga, isa sila sa mga nagpayaman ng kulturang Pilipino. Natuto tayong kumain ng pancit, siopao at tikoy. Natuto tayong magnegosyo ng tingi (kaya nga tayo nagkaroon ng sari-sari store). Pagdating sa sining at arkitekto, nadaplisan tayo ng mga ito. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Chinatown ang bawat bansa sa daigdig (at tayo ang unang nagkaroon nito). Sa kasalukuyan, malaki ang papel ng China sa ating ekonomiya. Kapag pumunta ka sa Divisoria, makikita mo na malaking porsiyento ng mga mamumuhunan dito ay mga Intsik. Kahit pumunta ka pa sa Makati, majority ng mga investors doon ay mga Intsik. Kahit ang mga ginagamit mo na computer parts, celphone, de lata, sapatos, tela, plastic... at kahit shabu galing sa China.
Kaya nga hindi makapalag ang bansa natin kapag may mga hi-tech na barkong pandigma ang umaaligid sa Scarborough Shoal at Spratley. Kasi Sa oras na pumalag tayo, baka maging republika tayo ng China ng hindi sinasadya. Kahit may "Balikatan Exercises" pa tayo kasama ang mga Amerikano, tinapatan naman tayo ng mga Intsik kasama ang mga Russians. Mukhang hindi din naman papalag si Obama sa mga Intsik dahil kung titingnan ang status ng dalawang bansa ay di hamak na mas mataas ang China sa U.S. Kung sa tingin niyo na hindi nagpa-panic ang bansa natin, pwes nagkakamali kayo. Ang totoo, wala nang magawang hakbang si Noy-Noy Aquino sa sitwasyong ito.
Isa na lang ang solusyon niya - ang idulog ang problemang ito sa International Tribunal for the Sea. Pero hawak ng Intsik ang nasabing tribunal. Bilang Pilipino? Anong gagawin mo? Hindi ka bibili ng produktong "Made In China?"
Kapag ginawa mo 'yun, para ka na din naglason sa sarili. Ang isyung ito ay walang tiyak na patutunguhan. Kung ano man ang kahinatnan nito sa paglipas ng panahon, tandaan natin na may mga bagay na dapat o hindi dapat ipaglaban. Ang tensyon natin sa China ay hindi basta-basta krisis. Dapat isiping mabuti ng pamahalaan ang tamang hakbang at magdesisyon bilang isang matatag na republika para sa ikabubuti ng dalawang bansa. Nakakalingkot mang isipin pero bilang mga Pilipino, wala tayong magawa sa problemang ito.

Sunday, April 1, 2012
Epiko 19: "Dati, Channel 13 Lang ang May Palabas sa .T.V. Tuwing Semana Santa"
Holy Week na naman...
Tradisyon na sa mga sagradong Romano Katoliko na gunitain ang pagsasakripisyo at pagpapakasakit ng ating Panginoon upang matubos ang kasalanan ng sanlibutan. Iba't-ibang aktibidad ang isinasagawa sa buong isang linggo hanggang sa "Linggo ng Pagkabuhay." Masasabi natin na parte ito ng kulturang Pilipino ang senakulo, penitensya. pagpapako sa krus, paghahanap ng anting-anting tuwing Biyernes Santo, at pagpapatuli tuwing Sabado de Gloria (dahil sa paniniwalang hindi madugo ang araw na ito) na hindi na maiaalis sa paglipas ng panahon.
Ngunit sa paglipas ng maraming taon, unti-unti nang nagbago ang pananaw ng Semana Santa sa karamahian sa atin. Malayo na ito sa aking kinagisnang paggunita mula nang magka-isip ako. Wala na ako masyadong nakikitang nag-aayuno sa tuwing Biyernes sa loob ng apatnapung araw ng kwaresma. Gayundin, wala na ding kabataan ang nagno-nobena tuwing hapos sa simbahan Ang pagbasa ng pasyon ay nilapatan na ng "rap" na nagkaroon na matinding pagbatikos mula sa simbahan. Ang Visita Iglesia ay napalitan na ng family outing. Gayundin ang mag istasyon ng T.V. at radyo na noon ay talagang hindi nagpapalabas ng kahit anong programa... maliban sa Channel 13 na nagpapalabas ng "The Last Seven Words" at Ten Commandments.
"
Isang matanda nga ang napabuntong-hininga at napabulong sa sarili na "Nasaan na ang esensya ng Semana Santa?"
Hindi mo masisisi ang takbo ng panahon. Kailangang sumabay ang lahat sa pagbabago. Gayundin, maraming Pilipino ang nag-iba na ng pananaw sa Semana Santa. Ang dating pag-aayuno at pagdarasal ay walang kwenta kung hindi ka naman sumusunod o umaayon sa mga aral na itinuro sa atin ng Panginoon. Normal lang sa isang tao na ibahin ang nakasanayang pag-alala sa mga ginawang pagsakripisyo at pagpapakasakit ng ating Panginoon.
Ang mahalaga, hindi tayo dapat makalimot na alalahanin siya.
Panahon na din ang Semana Santa para isipin natin ang mga ginawa nating pagkakamali sa buhay. Ito marahil ang perpektong pgkakataon upang magmuni-muni at magbulay-bulay kung ano ang ating silbi sa mundong ito. Tama na muna ang makamundong gawain... Umupo ka muna sa isang tabi at manalangin. Kausapin mo ang Panginoon ng buong puso. Huwag mo itong gawin dahil Holy Week ngayon. Gawin mo ito araw-araw at hanggang sa nabubuhay ka pa sa mundong ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)