Ang likod na siguro ang isa sa mga simple ngunit kumplikading parte ng katawan ng tao. Di tulad ng ibang parte ng katawan, kahit wala kang saplot ay okay lang kung nakatalikod ka. Kapag may binubuhat ka na mabigat, pinapasan mo ito sa likuran mo. Dito din makikita ang isa sa mga mahalagang parte ng katawan ng tao na kung tawagin ay spinal cord. Kapag wala ka nito, malamang lantang-gulay ang itsura mo. Dito din makikita ang puwet na masasabi kong isa sa mga kaakit-akit na katawan ng isang tao.
'Yun lang ba?
Ang likod…
Ang likod ang isa sa mga misteryosong parte ng katawan ng
tao. Sa likod natin makikita ang spinal na cord na nag-uugnay sa utak at iba
pang nerve ng katawan. Kung wala nito, hindi mo maiikilos ang iyong katawan.
Sa likod din makikita ang puwet na isa sa mga pinaka-seksing
katawan ng tao.
Mas tambok at malaki ang puwet, mas kaaya-aya sa mata ng
kahit sino.
Ang salitang “likod” ay isa din matalinghagang salit. Sa mga
kasabihan na “Sa likod ng bawat ngiti ay may luha” o “Sa likod ng bawat kwento
ay may iba pang istorya” o di kaya naman ay “Sa likod ng bawat pagkukunwari ay
may nakatagong misteryo” ay nagpapatunay na ang salitang ito ay may malalim na
kahulugan. Minsan pa nga na “Kapag tinalikuran mo ang lahat ng nasa harapan mo
ay hudyat ng isang pagbabago iyong katauhan.”
Mmmmmm…
Sa likod nga siguro ng bawat ikinikilos natin ay isang
bahagi n gating katauhan ang nawawala. Marahil tama nga ang sinabi ng isang
Japanese photographer (na nakalimutan ko na ang pangalan) na mahihlg kumuha ng
mga larawan na nakatalikod na “makikilala mo ang isang tao sa kanyang likuran.”
Alam mo kung may itinatago siya o hindi.
May mga taong magaling magpanggap o magsinungaling. Ngunit
sa likod ng kanilang pagpapanggap at pagsisinungaling ay isang bagay ang hindi
nila alam - naghihintay sa kanila ang isang bagay sa buhay nila na hindi
makakalimutan ng panandalian lamang.
Mayroon akong isang kwento na ibabahagi sa inyo.
Isang lalaki mula sa ibang lugar ang pilit na tumatakas sa
kanyang nakaraan. Dahil sa isang babae, nagawa niyang ibigay ang lahat ng
mayroon siya – kahit kapalit nito ay ang kanyang buhay at ang mga tao sa
paligid niya. Ngunit hindi siya kayang ipagtanggol o ipaglaban ng babae at
panindigan ang kanilang relasyon. Ito ay dahil sa kadahilanan na sa likod ng
kanyang pagkukunwari ay may iba pa siya kasintahan bukod sa nilolokong lalaki.
Parang tanga ang lalaki na nag-aakalang siya lang ang
minamahal ng manlolokong babae. Ngunit dahil tutol ang marami sa kanilang
pagmamahalan, nagpakalayo-layo siya upang bumuo ng pangarap na iaalay sa babae.
Sa kanyang paglalakbay, nakilala niya ang isang babae na may busilak na
kalooban at may tapat na puso. Naging magkaibigan sila dahil magkasundo sila sa
maraming bagay. Hindi inakala ng lalaki na may pagtingin sa kanya ang babaeng
hanggang sa unti-unti na siyang minahal nito. Nanag malaman niya ito, hindi na
niya alam ang kanyang gagawin.
Nabuo sa isip ng lalaki na imbestigahan ang kanyang
kasintahan at nalaman niya ang buong katotohanan. Napakasakit nito para sa
kanya dahil matagal na pala siyang niloloko nito. Ngunit nahihirapan siyang
talikuran ang babaeng manloloko dahil mahal na mahal niya ito. Pinag-isipan
niyang mabuti ang kanyang gagawin at ginawa niya ang pinakamahirap na desisyo
sa kanyang buhay – ang talikuran ang lahat na mayroon sila.
Nagdesisyon ang lalaki na suklian ang pagmamahal ng babaeng
nagmamahal sa kanya. Ito sa sa kadahilanang hindi lang isang tao ang nagmamahal
para maging matatag ang isang relasyon. Sa kasalukuyan, masaya silang dalawa na
nagmamahalan.
At ang babaeng manloloko? Ayun, na-karma at ngayon ay
pinagdudusahan at tinatanong sa kanyang sarili na bakit siya iniwan ng lalaking
akala niya na mamahalim siya habambuhay.
Sa buhay natin, hindi madali ang talikuran ang lahat dahil
sa mga alaala na nakakataka sa isip at sa puso. Ngunit sa likod nito ay ang
katotohanan na dapat nating harapin ang katotohanan at tanggapin na kung ano
ang mayroon tayo sa kasalukuyan. Sa likod ng bawat pagsubok na mayroon tayo ay
may naghihintay na biyaya. Sa likod ng bawat pasakit ay may ngiti na
nagbibigay-sigla sa lahat. Ngunit higit sa lahat, sa likod ng panloloko na
ginagawa mo sa isang tao ay isang kaparusahan na hindi mo inaasahan.
Tamaan na kung sino ang dapat tamaan. Karma lang ‘yan. Hindi
lahat ng naloloko ay maloloko habambuhay.
No comments:
Post a Comment