Saturday, August 4, 2012

Epiko 26: "Nasirang Pangako o Sinirang Pangako?"

Sa panahon ngayon, malaking bagay ang mga social network site tulad ng Facebook, Tweeter (na hanggang ngayon ay wala pa din akong account) at marami pang iba. Dahil sa mga ito, nagiging madali ang komunikasyon ng mga tao lalo na sa lipunan na halos napakabilis ng lahat ng bagay. Kahit nga ako, apektado din ng teknolohiyang ito.

Sa ibang tao, lalo na sa magkalayo at hirap magkita, mahirap umasa sa mga ganitong uri ng komunikasyon lalo na sa dalawang taong nagmamahalan.

Mayroon akong kwento na ibabahagi sa 'yo na sa tingin ko ay hindi ka magiging interesado dahil busy ka sa pagkikipag-chat. Pero kung may oras ka kahit sandali, pasadahan mo lang ito ng saglit.

May dalawang magkasintahan na umaasa na lang sa Facebook para magkaroon ng komunikasyon. Ito ay dahil sa kadahilanang hindi sila pwedeng magkita dahil maraming tuto sa kanilang pagmamahalan. Nangako sila sa isa't-isa na magmamahalan hanggang sa dulo ng walang hanggan (Ang korny!) at kahit maraming tutol sa kanilang pagmamahalan ay mananatili sila sa kanilang pangako.

Mahal na mahal ng lalaki ang babae. Pinatunayan niya ito nang ibinuwis niya ang kanyang buhay upang hindi mapahamak ang babaeng kanyang minamahal. Halos wala na siyang itinira sa sarili at nawala sa kanyang mga kamay ang kanyang ipinundar, mga mahahalagang tao at higit sa lahat, ang kanyang dangal dahil sa pagmamahal nito sa babae.

Mahal din ng babae ang lalaki, ngunit wala siyang mgawa upang makalapit o mkipagkita sa lalaki dahil natatakot siya na muling mapahamak ang kanyang minamahal. Kaya tiniis niya ang masasakit na salita at hirap ng sitwasyon at patuloy na umaasa na mahal pa din siya nito sa kabila ng mga nangyari sa kanya.

Sa Facebook na lang sila nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap.

Nagpatuloy ang kanilang relasyon. Bagama't hindi sila nagkikita, nagkakaroon sila ng mga usapan na tipikal sa isang magkasintahan - nag-aaway, naglalambingan at nagpapalitan ng mga karanasan sa mga araw na nagdaan.

Hanggang sa isang araw, hindi na nakapag-online ang babae sa kadahilanang pinagbawalan na siyang gumamit nito.

Mahirap sa sitwasyon ng lalaki ang lahat. Nasanay na kasi siya na palaging nakakausap ang kanyang kasintahan. Ngunit wala siyang magawa dahil sa kanilang sitwasyon. Palagi siyang nago-online at inaabangan ang babae para maka-chat ngunit wala kahit isang status update.

Tiniis ito ng lalaki ng matagal na panahon. Pinalipas niya ang mga araw at umaasa na baka sakali ay magparamdam ito. Ngunit isang mensahe mula sa kanya ang dumating na nagsasabi na may bago nang boyfriend ang kanyang kasintahan. Masakit ito para sa kanaya dahil dahil binalewala ng babae at nasira ang pangako nila sa isa't-isa.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may kumatok sa puso ng lalaki. Pinatuloy niya ito at minahal... ngunit may bahid pa din ito ng nakaraan na hindi niya makalimutan. Ngunit dahil mahal siya ng bagong babae, nagkaroon siya ng pag-asa na magtiwala at magmahal muli. Kinalimutan na niya ang babaeng inakala niya na niloko siya. Pinalitan na niya lahat ng impormasyon sa kanyang account... pati na din ang profile picture niya. Pansamantala na niya munang hindi binuksan ang account niya at naging masaya sa piling ng kanyang bagong kasintahan.

Masaya siya sa piling nito. Hanggang isang araw, binuksan niya uli ang account at nakita na nag-message muli ang kanyang dating kasintahan. Galit na galit ito at hindi makapaniwala na ipinagpalit siya nito sa iba. Ngunit huli na ang lahat dahil tuluyan nang nasira ang kanilang sumpaan na magmamahalan sila habambuhay (Ang korny talaga!)

Sino ba ang dapat sisihin sa kwentong ito.

Kung matalino ka, baka sabihin mo na ang lalaki ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay. Kung mahina synapse ng utak mo ay baka sabihin mo na ang babae ang may kasalanan. Pero kung gusto mo na nasa safe zone ka eh sabihin mo na pareho silang may kasalanan para walang biases.

Pero kung ako ang tatanungin mo, wala silang kasalanan pareho.

Bakit?

Kasi isang bagay lang ang may kasalanan dito... ang PAGKAKATAON.

Pareho silang may pagkakataon ngunit hindi nila ito ginamit bagkus ay hinayaan nila itong mawala. Nilisan sila ng pagkakaton at hindi na bumalik kaya sila nagkahiwalay. Bihira lang umalis ang pagkakaton sa buhay. palagi kasi natin ito hinihintay pero ang totoo niyan, katabi lang natin ito at hindi pinapansin. Ang pagkakataon ay nawawala kapag naputol na ang komunikasyon.

Ang pag-ibig nila ay may pangakong nasira dahil sinira ito ng pagkakataon at komunikasyon. Tama na ang pagi-ilusyon na may fairy tale. Gumising ka sa katotohanan na sa oras na naputol ang komunikasyon, hinayaan mo ang isang napakahalagang pagkakataon.







No comments:

Post a Comment