Friday, July 6, 2012

Epiko 25 "Isandaang Bagay na Dapat Mong Gawin Bago Ka Mamatay"

1. Sanayin ang sarili na uminom ng pitong baso ng tubig araw-araw (Ako nga eh apat na pitsel araw-araw. Laban ka?)

2. Panooron lahat ng pelikula ni Bruce Lee (c. 2012).

3.Kapag barado ang toilet bowl, dukutin mo ng kamay para gumaling ka magsulat. Na-try ko na ng isang beses. Tama na ‘yun! (c.2007)

4. Umihi sa loob ng classroom. Dapat ginawa mo ‘yun noong Grade 2 para mas memorable. Pero hindi pa huli ang lahat (c. 1990).

5. Panoorin linggo-linggo ang “Wasak” ni Lourd de Veyra (Bigatin mga guest niya palagi) tuwing Biyernes, 8:35 PM sa Aksyon TV (Hindi sa TV 5 o AKTV).

6. I-like sa Facebbok ang fanpage ni Rodolfo Sabayton Jr.

7. Bumili ng iPod Touch at ubusin ang memory nito sa mga applications (Tsek!).

8. Magpagawa ng Ninoy Aquino eyeglasses (Dapat may grado).

9. Kumain sa isang exotic restaurant at mag-order ng sopas na ipis. Seryoso ako. Nakatikim na ako nito sa Tayabas, Quezon, (c.2008).

10. Magsaksak ng tinidor sa socket outlet (Di ko pa na-try).

11. Gumawa ng indie movie. Kahit hanggang apat na minuto lang. Sayang talent mo.

12. Sumulat ng libro – kahit ano basta libro (On process na ang sa akin. Hehehhe…).

13. Gumamit ng “Wil’ cologne at huwag ipagsabi kahit kanino (Mag-aamoy mayaman ka).

14. Mag-aral magluto ng Bicol Express.

15. Mag-alaga ng aso (preferably Black Labrador).

16. Mag-roadtrip. Galain ang buong Cavite sa loob ng isang araw.

17. Yayain mag-date ang syota sa sementeryo (Kung mahihindot mo dun, mas maganda!).

18. Gumawa ng blog (Mas maganda kung parang The Emong Chronicles).

19. I-download ang mga kanta ng Beatles at patugtugin kapag magpapatulog ng bata.

20. Turuan mag-English ang Koreano (Huwag mong syo-syotain. Magsisisi ka lang).

21. Mag-aral ng Doctor of Veterinary Medicine at sumali sa Venerable Knight Veterinarians Fraternity (For the greater glory mga bro!).

22. Magpahaba ng buhok. Kapag na-achieve mo na. magpakalbo ka naman (c.1999).

23. Bumili ng Eastpak backpack (Subok na subok ko na ito. Patay ka na, magagamit pa ng taong pagmamanahan mo).

24. Manood ng gig ng Radioactive Sago Project (Sobrang sigurong saya at astig ng mga ito. Sana makapanood ako).

25. Mag-aral maglatigo at gawin ang mga tricks at exhibition. (Huwag gagamiting armas. Madidisgrasya ka).

26. Tapusin ang Kamen Rider Decade series.

27. Huwag kalimutang magdasal ng rosaryo araw-araw (Tsek!).

28. Tapusin ang pag-aaral hanggang kolehiyo (Para din ito sa future mo).

29. Sumali sa school publication (Malayo ang mararating mo kapag ginawa mo ito).

30. Panoorin ang buong episode ng “Word of the Lourd” sa Youtube (Madami kang matututunan).

31. Sumali sa Pambansang Unyon ng Kalalakihang Inaapi (Mas kilala bilang P.U.K.I.).

32. Sumayaw sa indayog ng kantang “Don’t Stop ‘Til You Get Enough” ni Michael Jackson habang naglalakad sa daan. (Sige subukan mo kung makapal ang mukha mo).

33. Tapusin ang buong series ng “God of War” (Part I at II pa lang ang natatapos ko. Pahiram naman ng bala nito sa PS2).

34. Kantahin sa videoke ang kantang “Reasons” ng Earth, Wind and Fire in public (Goodluck sa ‘yo!).

35. Magakaroon ng bestfriend na anak ng ministro ng Iglesia ni Kristo at mag-debate tungkol sa relihiyon (Pagkatapos nun, di na kayo bestfriends. Nasaan ka na SHERRY ROSE LACSON?)

36. Maging gentleman. Laging alalayan ang babae sa pagsakay at pagbaba ng jeep (Tsek!)

37. Sauluhin ang lahat ng kanta ng Silverchair.

38. Mag-yosi ng apat na stick sa isang araw.

39. Mag-aral tumugtog ng gitara (Hanggang ngayon, di pa ako marunong).

40. Ugaliing pumasok ng maaga sa school o sa trabaho. Gayundin sa pagpapasa ng projects, requirements at mga bagay na pinagagawa ng iyong teacher o boss (Tsek!).

41. Bumili ng mouthwash (Listerine o Astring-O-Sol) at ubusin ang laman sa loob ng isang araw (c. 2011).

42. Sauluhin ang dance step ng “Shake Your Body to the Ground” ng Jackson Five at sayawin sa party. Panalo ‘to! (CvSU – Main CAFENR Acquaintance Party c. 2000).

43. Matulog sa semeteryo sa gabi ng November 1 kasama ang mga barkada (c. 1998).

44. Tapusin ang Mission Mode ng “Red Alert: Yuri’s Revenge”.

45. Magpa-print ng damit na may nakasulat na “PUNYETA” (Malapit ko nang isuot. Wait lang kayo).

46. Sumali sa teatro para mawala ang hiya…hindi para maging walanghiya! (c. 2000).

47. Matulog sa sinehan kung ayaw mong matulog sa bahay (c.2006).

48. Magkaroon ng dalawang account sa Facebook (Para hindi obvious na nagloloko ka o may nililigawan kang iba. (Ginawa ko lang ito once. Karma lang inabot ko).

49. Magbakasyon sa kulungan ng tatlong linggo (Sige i-try mo nang makita mo kung gaano kasama ang mga pulis sa Pilipinas).

50. Magkaroon ng lisensya galing sa PRC o Professional Regulatory Commission (Tsek!)

51. Makatanggap ng death threat (Tsek uli!).

52. Tumira sa boardinghouse na puro bakla ang kasama pero siguraduhing may kutsilyo ka sa kama kapag matututlog ka na sa gabi (c. 2003, Kaytapos, Indang Cavite).

53. Magkaroon ng syota na mas bata sa ‘yo. ‘Yung tipong eight or fifteen years ang pagitan ng edad niyong dalawa (c. 2008 and 2011).

54. Bumili ng album ni Paolo Santos na “Playlist” (c. 2006).

55. Maka-siyam na round sa sex (c. 2000) at pakasalan pagkatapos.

56. Gumawa ng lesson plan – 35 preparations sa isang oras (Ayoko nang gawin ‘yun!).

57. Magtanong ng size ng bra sa isang sales lady at ipasukat ‘yun sa kanya. Tapos huwag mong bilhin (c. 2002).

58. Makipag-chat ng 24 oras hanggang sa sumabog ang CPU. (c. 2009).

59. Maglakad mula SM Bacoor hanggang Arcontica sa Dasma dahil wala nang pamasahe (c. 2000).

60. Magtrabaho bilang tagahigop ng nana sa ospital (Hinding-hindi ko ito gagawin. Ayoko pang mamatay).

61. Maglaro ng bilyar mag-isa na may pustahan (c. 1997).

62. Kumain ng Soup # 5.

63. Magsuot ng malong at takpan nag mukha kung gusto mong gumala at pagbintangang terorista sa mall. (c. 2010).

64. Magkaroon ng “childhood sweetheart” na mamahalin mo habambuhay (Kahit na may asawa na siya at may limang anak).

65. Magbuhos ng isang bote ng Ethyl alcohol sa katawan at sindihan ng lighter (c. 1995).

66. Makipag-date sa isang taga-De La Salle University – College of St. Benilde at ilibre ng fishball at kwek-kwek sa daan… Mga putang-inang sosyalera! (c.2001).

67. Magpabunot ng apat molars sa dentista ng sabay-sabay (c. 1999).

68. Paghaluin at inumin ang rootbeer at hilaw na itlog. (The best drink ever!)

69. Umubos ng P1,000.00 na halaga ng pagkain Jollibee kasama ang girlfriend (c. 2007)

70. Magkulay ng buhok…preferably red and green at the same time (c. 2000).

71. Kumpletuhin ang simbang gabi (Tsek!).

72. Maglagay ngt baling karayom sa wallet na nakabalot sa aluminum foil at pulang tela at ilagay sa wallet bilang panggayuma sa babae (Hanggang ngayon, ginagamit ko ito at effective pa din).

73. Gawing basis of life ang mga kasabihan ng lola ni Tendou Souji sa Kamen Rider Kabuto series (Ang dami kong natutunan dun!).

74. Papakin ang dalawang sachet ng Extra Joss na walang tubig (c.2004).

75. Matutuong manghula sa pamamagitan ng cards (It takes a lot of practice and trial to master).

76. Matuto ng apat na bagong salita araw-araw (Dapat sa dictionary ka tumingin… hindi sa Kama Sutra na libro).

77. Ugaliing uminom ng isang baso ng malamig na tubig bago at matapos uminom ng alak (Para walang hang-over).

78. Magsulat ng tula para sa isang espesyal na tao sa buhay mo (Actually naka-12 na ako).

79. Maging advocate ng RH Bill (Kung gusto mong maraming magalit na pari at relihiyoso sa ‘yo).

80. Panooring ang pelikulang “Elizabethtown” (Ang pinakamagandang love story na napanood ko!).

81. Sauluhin ang tulang “Tonight I Can Write” ni Pablo Neruda o “Ang Pag-Ibig Alinsunod sa Pakete ng Tide Ultra” ni Gilbert Sape.

82. Bumili ng komiks ni Zsa Zsa Zaturrnah.

83. Magpa-drawing ng self-caricature (c.2007).

84. Yakapin ang Nanay at Tatay at sabihing “Mahal na mahal ko kayo” (Hindi pa huli ang lahat. Gawin mo na agad).

85. I-download ang mga soundtrack ng Kamen Rider Series at pakinggan kapag stress ka na (Ang problema lang, hindi mo maiintindihan not unless na nakakaintindi ka ng Japanese language).

86. Dalhin ang minamahal sa Quiapo at humalik sa paa ng Mahal na Poong Nazareno na nagbibigay-himala sa lahat ng mga problema na tila walang pag-asang maayos. 87. Alisin ang phobia sa katawan… lalo na sa gagamba. (Hanggang ngayon, doon pa din ako may phobia).

88. Mangolekta ng Yu-Gi Oh cards (c. 2009).

89. Makipagbati na sa mga taong may hinanakit sa ‘yo. Mahirap na ang may kagalit at maging bitter sa buhay. Mamamatay ka lang sa sama ng loob.

90. Tapusin basahin ang mga libro ni Bob Ong (Isa pa lang ang natatapos ko… ‘yung MacArthur).

91. Panoorin ang documentary at buhay ni Bob Marley (Jah! Rastafari!).

92. Gumawa ng time capsule at ilagay ang mga bagay na mahalaga sa ‘yo. Ibaon sa sementeryo. Malay mo, makita ‘yan ng mga archeologist 2,000 years from now.

Magiging parte ka ng kasaysayan kapag nagkataon (c. 2010).

93. Piliting bumukod ng bahay sa mga magulang kapag nag-asawa ka na para hindi kayo palagi nag-aaway (Tried and tested na ‘to).

94. Tapusin ang buong season ng “Prison Break” (Kung inaakala niyong nanonood ako ng “Glee,” hindi ako bading!).

95. Mag-organize ng family reunion at piliting makapunta ang lahat.

96. Magsuot kwintas na krus para proteksyon sa sarili at sa mga minamahal mo.

97. Magkaroon ng BaoDing Balls (‘Yung dalawang bolang bakal na pinaiikot sa kamay) at gamitin sa stress theraphy.

98. Mahalin ang isang tao na handang ibigay sa ‘yo ang lahat at tanggap ang iyong pagkukulang at pagkakamali. Huwag magmahal ng tao na sarili lang ang iniisip dahil sila ay natural na manloloko at gagawing miserable ang buhay mo.

99. Magpasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw-araw. Gawing una ang Diyos sa lahat ng bagay at ang lahat ay magiging maayos at mabubuhay ka ng ayon sa ‘yong kagustuhan. Lahat ay nangyayari ng may malalim na dahilan. Di ka bibigyan ng pagsubok ng Diyos na hindi mo kaya. Magpasalamat dahil binibigyan ka pa ng panibagong araw para mabuhay. Ito ay dapat ipagdiwang.

100. Gumawa ka ng sariling “Isandaang Bagay na Dapat Mong Gawin Bago Ka Mamatay.”

Epiko 24: "Ang Likod"

zzzzzzzz


Ang likod na siguro ang isa sa mga simple ngunit kumplikading parte ng katawan ng tao. Di tulad ng ibang parte ng katawan, kahit wala kang saplot ay okay lang kung nakatalikod ka. Kapag may binubuhat ka na mabigat, pinapasan mo ito sa likuran mo. Dito din makikita ang isa sa mga mahalagang parte ng katawan ng tao na kung tawagin ay spinal cord. Kapag wala ka nito,  malamang lantang-gulay ang itsura mo. Dito din makikita ang puwet na masasabi kong isa sa mga kaakit-akit na katawan ng isang tao.

'Yun lang ba?


Ang likod…

Ang likod ang isa sa mga misteryosong parte ng katawan ng tao. Sa likod natin makikita ang spinal na cord na nag-uugnay sa utak at iba pang nerve ng katawan. Kung wala nito, hindi mo maiikilos ang iyong katawan.

Sa likod din makikita ang puwet na isa sa mga pinaka-seksing katawan ng tao.
Mas tambok at malaki ang puwet, mas kaaya-aya sa mata ng kahit sino.

Ang salitang “likod” ay isa din matalinghagang salit. Sa mga kasabihan na “Sa likod ng bawat ngiti ay may luha” o “Sa likod ng bawat kwento ay may iba pang istorya” o di kaya naman ay “Sa likod ng bawat pagkukunwari ay may nakatagong misteryo” ay nagpapatunay na ang salitang ito ay may malalim na kahulugan. Minsan pa nga na “Kapag tinalikuran mo ang lahat ng nasa harapan mo ay hudyat ng isang pagbabago iyong katauhan.”

Mmmmmm…

Sa likod nga siguro ng bawat ikinikilos natin ay isang bahagi n gating katauhan ang nawawala. Marahil tama nga ang sinabi ng isang Japanese photographer (na nakalimutan ko na ang pangalan) na mahihlg kumuha ng mga larawan na nakatalikod na “makikilala mo ang isang tao sa kanyang likuran.” Alam mo kung may itinatago siya o hindi.

May mga taong magaling magpanggap o magsinungaling. Ngunit sa likod ng kanilang pagpapanggap at pagsisinungaling ay isang bagay ang hindi nila alam - naghihintay sa kanila ang isang bagay sa buhay nila na hindi makakalimutan ng panandalian lamang.

Mayroon akong isang kwento na ibabahagi sa inyo.

Isang lalaki mula sa ibang lugar ang pilit na tumatakas sa kanyang nakaraan. Dahil sa isang babae, nagawa niyang ibigay ang lahat ng mayroon siya – kahit kapalit nito ay ang kanyang buhay at ang mga tao sa paligid niya. Ngunit hindi siya kayang ipagtanggol o ipaglaban ng babae at panindigan ang kanilang relasyon. Ito ay dahil sa kadahilanan na sa likod ng kanyang pagkukunwari ay may iba pa siya kasintahan  bukod sa nilolokong lalaki.

Parang tanga ang lalaki na nag-aakalang siya lang ang minamahal ng manlolokong babae. Ngunit dahil tutol ang marami sa kanilang pagmamahalan, nagpakalayo-layo siya upang bumuo ng pangarap na iaalay sa babae. Sa kanyang paglalakbay, nakilala niya ang isang babae na may busilak na kalooban at may tapat na puso. Naging magkaibigan sila dahil magkasundo sila sa maraming bagay. Hindi inakala ng lalaki na may pagtingin sa kanya ang babaeng hanggang sa unti-unti na siyang minahal nito. Nanag malaman niya ito, hindi na niya alam ang kanyang gagawin.

Nabuo sa isip ng lalaki na imbestigahan ang kanyang kasintahan at nalaman niya ang buong katotohanan. Napakasakit nito para sa kanya dahil matagal na pala siyang niloloko nito. Ngunit nahihirapan siyang talikuran ang babaeng manloloko dahil mahal na mahal niya ito. Pinag-isipan niyang mabuti ang kanyang gagawin at ginawa niya ang pinakamahirap na desisyo sa kanyang buhay – ang talikuran ang lahat na mayroon sila.

Nagdesisyon ang lalaki na suklian ang pagmamahal ng babaeng nagmamahal sa kanya. Ito sa sa kadahilanang hindi lang isang tao ang nagmamahal para maging matatag ang isang relasyon. Sa kasalukuyan, masaya silang dalawa na nagmamahalan.

At ang babaeng manloloko? Ayun, na-karma at ngayon ay pinagdudusahan at tinatanong sa kanyang sarili na bakit siya iniwan ng lalaking akala niya na mamahalim siya habambuhay.

Sa buhay natin, hindi madali ang talikuran ang lahat dahil sa mga alaala na nakakataka sa isip at sa puso. Ngunit sa likod nito ay ang katotohanan na dapat nating harapin ang katotohanan at tanggapin na kung ano ang mayroon tayo sa kasalukuyan. Sa likod ng bawat pagsubok na mayroon tayo ay may naghihintay na biyaya. Sa likod ng bawat pasakit ay may ngiti na nagbibigay-sigla sa lahat. Ngunit higit sa lahat, sa likod ng panloloko na ginagawa mo sa isang tao ay isang kaparusahan na hindi mo inaasahan.

Tamaan na kung sino ang dapat tamaan. Karma lang ‘yan. Hindi lahat ng naloloko ay maloloko habambuhay.