Wednesday, February 8, 2012

Epiko 10: "Wasak"




May isang kwentong ibabahagi sa inyo.

Isang bagong pasok na pulis ang binigyan ng pwesto bilang warden sa isang presinto. Bilang isang pulis, sumumpa siya na gagawin niya ang kanyang tungkulin bilang alagad ng batas.

Sa kanyang pag-duty, napansin niya ang isang bilanggo na nakupo sa isang sulok. Kakaiba siya sa ibang preso na puro tattoo at madumi - malinis at kagalang-galang ang kanyang itsura na tila.

"Anong kaso mo?" tanong niya sa bilanggo.

"Republic Act 7610..." sagot nito sa kanya.

Napaisip ang warden. Alam niya na matalino ang kausap niya. Muli niya itong tinanong "Anong nangyari sa inyo?"

"Ang tanging kasalanan ko lang ay nagmahal ako ng isang menor de edad.

Napag-alaman ng warden na isang respetado at magaling na college professor ang kanyang kaharap. Nang tingnan niya ang file nito, nakita niya na hindi siya isinuplong ng kanyang estudyante na naging karelasyon niya. Ngunit dahil may asawa siya at menor de edad ang girlfriend. Inihabla siya ng pamilya nito at inilayo. Siuya naman, nasa kulungan at naghihintay ng pag-asang ililigtas siya ng bata. Ngunit hawak siya sa leeg. Wala namang piyansa ang ganitong klase ng kaso.

Napailing ang warden. "Bakit hindi ka man lang tumira ng mas matanda?"

Tahimik lang ang lalaki. Nagsimula nang nangilid ang kanyang luha sa pisngi. Nakita ito ng warden. Dito ay parang naantig ang kanyang damdamin dahil minsan ay naranasan niya ang kinahantungan ng lalaki sa kulungan.

May mga pagkakataon sa ating buhay na nagkakamali tayo ng desisyon... lalo na sa pag-ibig. Minsan akala natin okay lang ang lahat kasi masaya kayo habang magkasama at nagpapalitan ng mga matatamis na salita. Pero ang katotohanan, may pag-ibig na nakakabaliw, nakakasira ng buhay o kapag mas grabe, nakakamatay.

Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa pag-ibig... na bawal?

Mula sa mga kinalolokohang teleserye at mga nobela, nakikita natin na halos mamatay ang bida para sa bawal na pag-ibig. Ipinaglalaban niya ito kahit mali na at maraming nasasaktan. Ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa ang mga audience kapag forbidden love na ang pinag-uusapan.

From the writer's point of view, this is a way to escape in the reality that there's no fairy tale or happy ending when it comes to forbidden love. The author's experience reflects on a way in reverse to reality. Sa madaling salita, isinusulat ng may akda ang mga bagay na imposible na dapat ay nangyari.

Pero alam naman natin... masarap ang bawal.

Sa mundo, ang "bawal" at "pwede" ay pantay lang. 'Yun nga lang, depende sa tao kung bias siya o pumapanig lang sa isang kampo. Siyempre kung relihiyoso ka, hindi ka gagawa ng mali. Pero kung mahilig kang mag-eksperimento o hinahanap mo pa ang iyong sarili o nahihirapan ka sa oryentasyon mo sa lipunan, doon ka sa "bawal."

Hindi naman masamang pumuli kung "tama" o "mali" pagdating sa pag-ibig. Ang mahalaga, marunong kang manindigan. Kung mabigo ka man sa pakikipaglaban mo dito, hindi mo ito dapat pagsisihan dahil ginawa mo ang lahat. Bawal man ito o hindi, sa bandang dulo ay masaya ka sa iyong pinili.