Saturday, September 8, 2012

Epiko 28: "Ang Pag-Ibig Na Hugis Oval Field"

Isa sa mga nirerekomenda ng mga dalubhasa sa kalusugan ang magkaroon ng cardiac exercise upang mapanatiling malusog ang pangangatawan partikular na para sa puso. Isa na ditto ang mag-jogging o brisk walking na kung saan mas maa-appreciate mo ito kung sa isang oval field mo ito gagawin. Hindi ako mahilig mag-ehersisyo dahil nakakatamad at ayokong mapagod ang aking sarili. Ngunit dahil sa patuloy na paglobo ng aking katawan ay naisip kong gawin ito kasama ang isang kaibigan tuwing Sabado ng umaga. Kahit mahirap gumising ng maaga, ginagawa ko ito… ngunit hindi para magpapayat.

Sabi nga ni Jessica Zafra sa kanyang librong “Seven and ½” na aksidente kong nabuklat sa isang bookstore, “There are two reasons why we run – one is to escape and the other is to chase. We put ourselves in a hurry to escape and chase something because we tend to be in a circle of emotions which help us to become enlightened in a crazy little thing called love. Love is like an oval field – even though you’re running away or running to chase the one you love, in the end, you still come up in one result. PAIN.”

Sa dalawampu’t siyam na taon ko na sa mundo, marami na akojng naranasan na mukha ng pag-ibig (at kung suki kang mambabasa ng mga blogs ko, malamang maibubulong mo sa sarili mo na “Eto na naman si Julius at mukhang in-love na naman!”) at iisa ang kinahahantungan nito. Ewan ko ba pero sa tingin ko, natural lang siguro sa isang tao na makaranas magmahal at masaktan. Sabi nga ni Ramon Bautista sa kanyang internet advice segment na Ramon Baustista’s Tales From the Friend Zone, Ang tunay na pag-ibig ay hindi sweet at huma-happy ending tulad ng sine. Ang tunay na pag-ibig ay masakit at punong-puno ng pait. At kung naranasan mo ito, isa itong patunay na ganap ka ng tao.”

Sa mga nabanggit ko, nabuo ko ang isang ideya (o mas masasabi kong prinsipyo) pagdating sa pinaka-korning emosyon mayroon ang isang tao. Sa buhay pag-ibig natin na kung saan hinahanap natin ang isang taong kukumpleto sa ating pagkatao, hindi maiwasang may dadaan at sisirain nito an gating puso. Kaya nga minsan, kung hindi natin tatakasan ang isang madilim na kabanat ng buhay natin, hahabulin natin ang isang bagay na gusto natin – ang maging maligaya sa piling ng iba. Ngunit dahil sa mga hindi malamang dahilan at sitwasyon, nauudlot ito dahil sa mga hindi maiiwasang bagay na nagsisilbing harang sa ating hinahabol na pangarap hanggang sa ito’y manatiling isang pangarap na lamang.

Magbibigay ako ng sitwasyon sa pamamagitan ng isang kwento:

May isang lalaki na may madilim na nakaraan sa pag-ibig na nakatagpo ng isang babae na masasabing kumumpleto sa kanyang pagkatao. Masaya sila sa tuwing magkasama ngunit dahil sa kasal na sa iba ang babae, walang magawa ang lalaki kundi ipakita na lang sa babaeng minamahal niya ang lahat ng kanyang nararamdaman. Hindi niya ito kayang sabihin dahil hindi ito magiging madali at higit sa lahat, malaking gulo ito. Kaya nga kahit maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, hindi niya ito pinapanasin dahil iisa lang ang mahal nito… na hindi maaring mapunta sa kanya. Pero sa kabila nito, minabuti na lang niya na maging ganoon na lang ang sitwasyon. Ang mahalaga, hindi mawawala sa buhay niya ang babae… kahit masakit.

Sa mga taong praktikal at may malaking disposisyon sa buhay, Isang katangahan ang pag-ibig dahil mapapagod lang ang puso at problema lang ito. Matalino man sila, hindi pa din nila alam ang sakit nito dahil hindi nila ito nararamdaman. Kung baga, hindi nila nae-exercise ang kanilang puso. Aminin natin na takot tayong magmahal kasi takot tayong masaktan.

Ngunit kung di ka masasaktan, paano ka matututo?

Paulit –ulit man ako masaktan sa pag-ibig, hindi ko ito ikinahihiya sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako nabubuhay (at kung bakit may blog pa ako na ginagawa.). Mula sa maliliit na hakbang hanggang sa pinakamabilis na takbo patungo sa kaligayahang ninanais ko,  Hindi ko na iniiip kung masasaktan ako. Parang oval firld lang ‘yan. Habang tumatakbo at napapagod ka, lumalambot ang tinatapakan mo at nagiging panatag ka. Paulit-ulit ka man masaktan, madapa, pulikatin o mabalian, isang bagay lang ang dapat mong tandaan – kailangan mong magpatuloy, kailangan mong mabuhay at higit sa lahat, kailangan mong magmahal. Walang tama o mali sa mundo. Ang dapat mo lang gawin ay panindigan mo ang iyong pinili dahil ito ang magpapaligaya sa iyo…

… o kung hindi man, ito ang kukumpleto sa ‘yo bilang tao.

Saturday, August 11, 2012

Epiko 27: "Mahirap Mag-Move On"

Nang una kong mapakinggan nag kantang "The Man Who Can't Be Moved" ng The Script, may imga linya mula sa lyrics nito ang kumurot sa aking puso partikular ang mga linyang ito sa chorus:

"'Cause if one day you wake up and find that you're missing me.
And your heart starts to wonder where on this earth I could be.
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet,
And you'd see me waiting for you on the corner of the street

So I'm not moving...
I'm not moving..."


Marahil may mga pagkakataon sa ating buhay na gusto nating balikan ang nakaraan na naging maligaya tayo. Mula sa mga alaala na nakadikit nito, habambuhay itong tatak sa ating gunita...

Kahit na pilitin natin itong kalimutabn ay hindi natin magagawa.

Ang iba sa atin, sa halip na magpatuloy o mag-move on ay pinipiling manatili sapagkat ito ang dahilan kung bakit sila nabubuhay... nabubuhay sa mga alaala na masasay o kung minsan ay mapapait.

Ang sakit talaga kapag naaalala mo ang mga alaalang iniwan sa iyo ng taong akala mo ay mahal ka o minahal mo.

Katulad ng kwento na ibabahagi ko sa iyo.

May isang lalaki na umuwi sa kanyang bayan. Halos isang taon siyang nawala sa kadahilanang kinakailangan niyang iwan ang babaeng pinakamamahal niya. Maraming tutol sa kanilang pagmamahalan kaya pinili ng lalaki ang magpakalayo-layo at mamuhay na mag-isa sa kadahilanang ayaw niyang masira ang buhay ng babae. Ngunit dahil mahal nila ang isa't-isa, nangako silang dalawa na magmamahalan hanggang sa huli. 

Ngunit dahil sa mga taong nakakasalmuha niya sa kanyang bagong buhay, nakilala niya ang isang babae na nagbago sa kanyang pakiramdam. Minahal siya nito at tinaggap ang kanyang buong pagkatao. Dahil dito, sumuko siya sa pangako sa naunang kasintahan at pinutol ang kanilang relasyon na hindi namamalayan ng babae.

Hindi nagtagal ay nalaman na ng babae na may bagong kasintahan na ang lalaki. Dinamdam niya ito. Ngunit nanatili pa din ang kanyang nararamdaman para sa kanya. Mula sa kanyang huling mensahe sa lalaki sa e-mail, sinabi niya na huwag sana siyang kalimutan at mahal na mahal pa din siya nito.

Pero ang lalaki, pinupuntahan pa din ang mga lugar na nagbabalik sa alaala niya sa kanyang naunang kasintahan habang kumakain ng french fries at nagko-coke float. Bagama't nasa piling na siya ng ibang babae, hindi pa din siya maka-move on at umaasang magiging sila muli ngunit dahil sa kanilang sitwasyon ay tila hindi na ito mangyayari. Kahit hindi na sila magkasintahan, tinutupad pa din niya ang kanyang pangako sa naunang babae.

Aminin na natin sa ating sarili na mahirap mag-move on pagkatapos ng isang masakit na relasyon. Ngunit darating ang panahon na maghihilom ang sugat ng kahapon. Masakit talaga. Kahit ako nasaktan din ng sobra na halos mamatay na ako. Pero ganito talaga ang buhay - Ang tunay na pag-ibig ay hindi cheesy, sweet at huma-happy ending tulad ng nasa sine. Ang tunay na pag-ibig ay masakit at mahapdi....

... at mahirap i-move on.

Saturday, August 4, 2012

Epiko 26: "Nasirang Pangako o Sinirang Pangako?"

Sa panahon ngayon, malaking bagay ang mga social network site tulad ng Facebook, Tweeter (na hanggang ngayon ay wala pa din akong account) at marami pang iba. Dahil sa mga ito, nagiging madali ang komunikasyon ng mga tao lalo na sa lipunan na halos napakabilis ng lahat ng bagay. Kahit nga ako, apektado din ng teknolohiyang ito.

Sa ibang tao, lalo na sa magkalayo at hirap magkita, mahirap umasa sa mga ganitong uri ng komunikasyon lalo na sa dalawang taong nagmamahalan.

Mayroon akong kwento na ibabahagi sa 'yo na sa tingin ko ay hindi ka magiging interesado dahil busy ka sa pagkikipag-chat. Pero kung may oras ka kahit sandali, pasadahan mo lang ito ng saglit.

May dalawang magkasintahan na umaasa na lang sa Facebook para magkaroon ng komunikasyon. Ito ay dahil sa kadahilanang hindi sila pwedeng magkita dahil maraming tuto sa kanilang pagmamahalan. Nangako sila sa isa't-isa na magmamahalan hanggang sa dulo ng walang hanggan (Ang korny!) at kahit maraming tutol sa kanilang pagmamahalan ay mananatili sila sa kanilang pangako.

Mahal na mahal ng lalaki ang babae. Pinatunayan niya ito nang ibinuwis niya ang kanyang buhay upang hindi mapahamak ang babaeng kanyang minamahal. Halos wala na siyang itinira sa sarili at nawala sa kanyang mga kamay ang kanyang ipinundar, mga mahahalagang tao at higit sa lahat, ang kanyang dangal dahil sa pagmamahal nito sa babae.

Mahal din ng babae ang lalaki, ngunit wala siyang mgawa upang makalapit o mkipagkita sa lalaki dahil natatakot siya na muling mapahamak ang kanyang minamahal. Kaya tiniis niya ang masasakit na salita at hirap ng sitwasyon at patuloy na umaasa na mahal pa din siya nito sa kabila ng mga nangyari sa kanya.

Sa Facebook na lang sila nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap.

Nagpatuloy ang kanilang relasyon. Bagama't hindi sila nagkikita, nagkakaroon sila ng mga usapan na tipikal sa isang magkasintahan - nag-aaway, naglalambingan at nagpapalitan ng mga karanasan sa mga araw na nagdaan.

Hanggang sa isang araw, hindi na nakapag-online ang babae sa kadahilanang pinagbawalan na siyang gumamit nito.

Mahirap sa sitwasyon ng lalaki ang lahat. Nasanay na kasi siya na palaging nakakausap ang kanyang kasintahan. Ngunit wala siyang magawa dahil sa kanilang sitwasyon. Palagi siyang nago-online at inaabangan ang babae para maka-chat ngunit wala kahit isang status update.

Tiniis ito ng lalaki ng matagal na panahon. Pinalipas niya ang mga araw at umaasa na baka sakali ay magparamdam ito. Ngunit isang mensahe mula sa kanya ang dumating na nagsasabi na may bago nang boyfriend ang kanyang kasintahan. Masakit ito para sa kanaya dahil dahil binalewala ng babae at nasira ang pangako nila sa isa't-isa.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may kumatok sa puso ng lalaki. Pinatuloy niya ito at minahal... ngunit may bahid pa din ito ng nakaraan na hindi niya makalimutan. Ngunit dahil mahal siya ng bagong babae, nagkaroon siya ng pag-asa na magtiwala at magmahal muli. Kinalimutan na niya ang babaeng inakala niya na niloko siya. Pinalitan na niya lahat ng impormasyon sa kanyang account... pati na din ang profile picture niya. Pansamantala na niya munang hindi binuksan ang account niya at naging masaya sa piling ng kanyang bagong kasintahan.

Masaya siya sa piling nito. Hanggang isang araw, binuksan niya uli ang account at nakita na nag-message muli ang kanyang dating kasintahan. Galit na galit ito at hindi makapaniwala na ipinagpalit siya nito sa iba. Ngunit huli na ang lahat dahil tuluyan nang nasira ang kanilang sumpaan na magmamahalan sila habambuhay (Ang korny talaga!)

Sino ba ang dapat sisihin sa kwentong ito.

Kung matalino ka, baka sabihin mo na ang lalaki ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay. Kung mahina synapse ng utak mo ay baka sabihin mo na ang babae ang may kasalanan. Pero kung gusto mo na nasa safe zone ka eh sabihin mo na pareho silang may kasalanan para walang biases.

Pero kung ako ang tatanungin mo, wala silang kasalanan pareho.

Bakit?

Kasi isang bagay lang ang may kasalanan dito... ang PAGKAKATAON.

Pareho silang may pagkakataon ngunit hindi nila ito ginamit bagkus ay hinayaan nila itong mawala. Nilisan sila ng pagkakaton at hindi na bumalik kaya sila nagkahiwalay. Bihira lang umalis ang pagkakaton sa buhay. palagi kasi natin ito hinihintay pero ang totoo niyan, katabi lang natin ito at hindi pinapansin. Ang pagkakataon ay nawawala kapag naputol na ang komunikasyon.

Ang pag-ibig nila ay may pangakong nasira dahil sinira ito ng pagkakataon at komunikasyon. Tama na ang pagi-ilusyon na may fairy tale. Gumising ka sa katotohanan na sa oras na naputol ang komunikasyon, hinayaan mo ang isang napakahalagang pagkakataon.







Friday, July 6, 2012

Epiko 25 "Isandaang Bagay na Dapat Mong Gawin Bago Ka Mamatay"

1. Sanayin ang sarili na uminom ng pitong baso ng tubig araw-araw (Ako nga eh apat na pitsel araw-araw. Laban ka?)

2. Panooron lahat ng pelikula ni Bruce Lee (c. 2012).

3.Kapag barado ang toilet bowl, dukutin mo ng kamay para gumaling ka magsulat. Na-try ko na ng isang beses. Tama na ‘yun! (c.2007)

4. Umihi sa loob ng classroom. Dapat ginawa mo ‘yun noong Grade 2 para mas memorable. Pero hindi pa huli ang lahat (c. 1990).

5. Panoorin linggo-linggo ang “Wasak” ni Lourd de Veyra (Bigatin mga guest niya palagi) tuwing Biyernes, 8:35 PM sa Aksyon TV (Hindi sa TV 5 o AKTV).

6. I-like sa Facebbok ang fanpage ni Rodolfo Sabayton Jr.

7. Bumili ng iPod Touch at ubusin ang memory nito sa mga applications (Tsek!).

8. Magpagawa ng Ninoy Aquino eyeglasses (Dapat may grado).

9. Kumain sa isang exotic restaurant at mag-order ng sopas na ipis. Seryoso ako. Nakatikim na ako nito sa Tayabas, Quezon, (c.2008).

10. Magsaksak ng tinidor sa socket outlet (Di ko pa na-try).

11. Gumawa ng indie movie. Kahit hanggang apat na minuto lang. Sayang talent mo.

12. Sumulat ng libro – kahit ano basta libro (On process na ang sa akin. Hehehhe…).

13. Gumamit ng “Wil’ cologne at huwag ipagsabi kahit kanino (Mag-aamoy mayaman ka).

14. Mag-aral magluto ng Bicol Express.

15. Mag-alaga ng aso (preferably Black Labrador).

16. Mag-roadtrip. Galain ang buong Cavite sa loob ng isang araw.

17. Yayain mag-date ang syota sa sementeryo (Kung mahihindot mo dun, mas maganda!).

18. Gumawa ng blog (Mas maganda kung parang The Emong Chronicles).

19. I-download ang mga kanta ng Beatles at patugtugin kapag magpapatulog ng bata.

20. Turuan mag-English ang Koreano (Huwag mong syo-syotain. Magsisisi ka lang).

21. Mag-aral ng Doctor of Veterinary Medicine at sumali sa Venerable Knight Veterinarians Fraternity (For the greater glory mga bro!).

22. Magpahaba ng buhok. Kapag na-achieve mo na. magpakalbo ka naman (c.1999).

23. Bumili ng Eastpak backpack (Subok na subok ko na ito. Patay ka na, magagamit pa ng taong pagmamanahan mo).

24. Manood ng gig ng Radioactive Sago Project (Sobrang sigurong saya at astig ng mga ito. Sana makapanood ako).

25. Mag-aral maglatigo at gawin ang mga tricks at exhibition. (Huwag gagamiting armas. Madidisgrasya ka).

26. Tapusin ang Kamen Rider Decade series.

27. Huwag kalimutang magdasal ng rosaryo araw-araw (Tsek!).

28. Tapusin ang pag-aaral hanggang kolehiyo (Para din ito sa future mo).

29. Sumali sa school publication (Malayo ang mararating mo kapag ginawa mo ito).

30. Panoorin ang buong episode ng “Word of the Lourd” sa Youtube (Madami kang matututunan).

31. Sumali sa Pambansang Unyon ng Kalalakihang Inaapi (Mas kilala bilang P.U.K.I.).

32. Sumayaw sa indayog ng kantang “Don’t Stop ‘Til You Get Enough” ni Michael Jackson habang naglalakad sa daan. (Sige subukan mo kung makapal ang mukha mo).

33. Tapusin ang buong series ng “God of War” (Part I at II pa lang ang natatapos ko. Pahiram naman ng bala nito sa PS2).

34. Kantahin sa videoke ang kantang “Reasons” ng Earth, Wind and Fire in public (Goodluck sa ‘yo!).

35. Magakaroon ng bestfriend na anak ng ministro ng Iglesia ni Kristo at mag-debate tungkol sa relihiyon (Pagkatapos nun, di na kayo bestfriends. Nasaan ka na SHERRY ROSE LACSON?)

36. Maging gentleman. Laging alalayan ang babae sa pagsakay at pagbaba ng jeep (Tsek!)

37. Sauluhin ang lahat ng kanta ng Silverchair.

38. Mag-yosi ng apat na stick sa isang araw.

39. Mag-aral tumugtog ng gitara (Hanggang ngayon, di pa ako marunong).

40. Ugaliing pumasok ng maaga sa school o sa trabaho. Gayundin sa pagpapasa ng projects, requirements at mga bagay na pinagagawa ng iyong teacher o boss (Tsek!).

41. Bumili ng mouthwash (Listerine o Astring-O-Sol) at ubusin ang laman sa loob ng isang araw (c. 2011).

42. Sauluhin ang dance step ng “Shake Your Body to the Ground” ng Jackson Five at sayawin sa party. Panalo ‘to! (CvSU – Main CAFENR Acquaintance Party c. 2000).

43. Matulog sa semeteryo sa gabi ng November 1 kasama ang mga barkada (c. 1998).

44. Tapusin ang Mission Mode ng “Red Alert: Yuri’s Revenge”.

45. Magpa-print ng damit na may nakasulat na “PUNYETA” (Malapit ko nang isuot. Wait lang kayo).

46. Sumali sa teatro para mawala ang hiya…hindi para maging walanghiya! (c. 2000).

47. Matulog sa sinehan kung ayaw mong matulog sa bahay (c.2006).

48. Magkaroon ng dalawang account sa Facebook (Para hindi obvious na nagloloko ka o may nililigawan kang iba. (Ginawa ko lang ito once. Karma lang inabot ko).

49. Magbakasyon sa kulungan ng tatlong linggo (Sige i-try mo nang makita mo kung gaano kasama ang mga pulis sa Pilipinas).

50. Magkaroon ng lisensya galing sa PRC o Professional Regulatory Commission (Tsek!)

51. Makatanggap ng death threat (Tsek uli!).

52. Tumira sa boardinghouse na puro bakla ang kasama pero siguraduhing may kutsilyo ka sa kama kapag matututlog ka na sa gabi (c. 2003, Kaytapos, Indang Cavite).

53. Magkaroon ng syota na mas bata sa ‘yo. ‘Yung tipong eight or fifteen years ang pagitan ng edad niyong dalawa (c. 2008 and 2011).

54. Bumili ng album ni Paolo Santos na “Playlist” (c. 2006).

55. Maka-siyam na round sa sex (c. 2000) at pakasalan pagkatapos.

56. Gumawa ng lesson plan – 35 preparations sa isang oras (Ayoko nang gawin ‘yun!).

57. Magtanong ng size ng bra sa isang sales lady at ipasukat ‘yun sa kanya. Tapos huwag mong bilhin (c. 2002).

58. Makipag-chat ng 24 oras hanggang sa sumabog ang CPU. (c. 2009).

59. Maglakad mula SM Bacoor hanggang Arcontica sa Dasma dahil wala nang pamasahe (c. 2000).

60. Magtrabaho bilang tagahigop ng nana sa ospital (Hinding-hindi ko ito gagawin. Ayoko pang mamatay).

61. Maglaro ng bilyar mag-isa na may pustahan (c. 1997).

62. Kumain ng Soup # 5.

63. Magsuot ng malong at takpan nag mukha kung gusto mong gumala at pagbintangang terorista sa mall. (c. 2010).

64. Magkaroon ng “childhood sweetheart” na mamahalin mo habambuhay (Kahit na may asawa na siya at may limang anak).

65. Magbuhos ng isang bote ng Ethyl alcohol sa katawan at sindihan ng lighter (c. 1995).

66. Makipag-date sa isang taga-De La Salle University – College of St. Benilde at ilibre ng fishball at kwek-kwek sa daan… Mga putang-inang sosyalera! (c.2001).

67. Magpabunot ng apat molars sa dentista ng sabay-sabay (c. 1999).

68. Paghaluin at inumin ang rootbeer at hilaw na itlog. (The best drink ever!)

69. Umubos ng P1,000.00 na halaga ng pagkain Jollibee kasama ang girlfriend (c. 2007)

70. Magkulay ng buhok…preferably red and green at the same time (c. 2000).

71. Kumpletuhin ang simbang gabi (Tsek!).

72. Maglagay ngt baling karayom sa wallet na nakabalot sa aluminum foil at pulang tela at ilagay sa wallet bilang panggayuma sa babae (Hanggang ngayon, ginagamit ko ito at effective pa din).

73. Gawing basis of life ang mga kasabihan ng lola ni Tendou Souji sa Kamen Rider Kabuto series (Ang dami kong natutunan dun!).

74. Papakin ang dalawang sachet ng Extra Joss na walang tubig (c.2004).

75. Matutuong manghula sa pamamagitan ng cards (It takes a lot of practice and trial to master).

76. Matuto ng apat na bagong salita araw-araw (Dapat sa dictionary ka tumingin… hindi sa Kama Sutra na libro).

77. Ugaliing uminom ng isang baso ng malamig na tubig bago at matapos uminom ng alak (Para walang hang-over).

78. Magsulat ng tula para sa isang espesyal na tao sa buhay mo (Actually naka-12 na ako).

79. Maging advocate ng RH Bill (Kung gusto mong maraming magalit na pari at relihiyoso sa ‘yo).

80. Panooring ang pelikulang “Elizabethtown” (Ang pinakamagandang love story na napanood ko!).

81. Sauluhin ang tulang “Tonight I Can Write” ni Pablo Neruda o “Ang Pag-Ibig Alinsunod sa Pakete ng Tide Ultra” ni Gilbert Sape.

82. Bumili ng komiks ni Zsa Zsa Zaturrnah.

83. Magpa-drawing ng self-caricature (c.2007).

84. Yakapin ang Nanay at Tatay at sabihing “Mahal na mahal ko kayo” (Hindi pa huli ang lahat. Gawin mo na agad).

85. I-download ang mga soundtrack ng Kamen Rider Series at pakinggan kapag stress ka na (Ang problema lang, hindi mo maiintindihan not unless na nakakaintindi ka ng Japanese language).

86. Dalhin ang minamahal sa Quiapo at humalik sa paa ng Mahal na Poong Nazareno na nagbibigay-himala sa lahat ng mga problema na tila walang pag-asang maayos. 87. Alisin ang phobia sa katawan… lalo na sa gagamba. (Hanggang ngayon, doon pa din ako may phobia).

88. Mangolekta ng Yu-Gi Oh cards (c. 2009).

89. Makipagbati na sa mga taong may hinanakit sa ‘yo. Mahirap na ang may kagalit at maging bitter sa buhay. Mamamatay ka lang sa sama ng loob.

90. Tapusin basahin ang mga libro ni Bob Ong (Isa pa lang ang natatapos ko… ‘yung MacArthur).

91. Panoorin ang documentary at buhay ni Bob Marley (Jah! Rastafari!).

92. Gumawa ng time capsule at ilagay ang mga bagay na mahalaga sa ‘yo. Ibaon sa sementeryo. Malay mo, makita ‘yan ng mga archeologist 2,000 years from now.

Magiging parte ka ng kasaysayan kapag nagkataon (c. 2010).

93. Piliting bumukod ng bahay sa mga magulang kapag nag-asawa ka na para hindi kayo palagi nag-aaway (Tried and tested na ‘to).

94. Tapusin ang buong season ng “Prison Break” (Kung inaakala niyong nanonood ako ng “Glee,” hindi ako bading!).

95. Mag-organize ng family reunion at piliting makapunta ang lahat.

96. Magsuot kwintas na krus para proteksyon sa sarili at sa mga minamahal mo.

97. Magkaroon ng BaoDing Balls (‘Yung dalawang bolang bakal na pinaiikot sa kamay) at gamitin sa stress theraphy.

98. Mahalin ang isang tao na handang ibigay sa ‘yo ang lahat at tanggap ang iyong pagkukulang at pagkakamali. Huwag magmahal ng tao na sarili lang ang iniisip dahil sila ay natural na manloloko at gagawing miserable ang buhay mo.

99. Magpasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw-araw. Gawing una ang Diyos sa lahat ng bagay at ang lahat ay magiging maayos at mabubuhay ka ng ayon sa ‘yong kagustuhan. Lahat ay nangyayari ng may malalim na dahilan. Di ka bibigyan ng pagsubok ng Diyos na hindi mo kaya. Magpasalamat dahil binibigyan ka pa ng panibagong araw para mabuhay. Ito ay dapat ipagdiwang.

100. Gumawa ka ng sariling “Isandaang Bagay na Dapat Mong Gawin Bago Ka Mamatay.”

Epiko 24: "Ang Likod"

zzzzzzzz


Ang likod na siguro ang isa sa mga simple ngunit kumplikading parte ng katawan ng tao. Di tulad ng ibang parte ng katawan, kahit wala kang saplot ay okay lang kung nakatalikod ka. Kapag may binubuhat ka na mabigat, pinapasan mo ito sa likuran mo. Dito din makikita ang isa sa mga mahalagang parte ng katawan ng tao na kung tawagin ay spinal cord. Kapag wala ka nito,  malamang lantang-gulay ang itsura mo. Dito din makikita ang puwet na masasabi kong isa sa mga kaakit-akit na katawan ng isang tao.

'Yun lang ba?


Ang likod…

Ang likod ang isa sa mga misteryosong parte ng katawan ng tao. Sa likod natin makikita ang spinal na cord na nag-uugnay sa utak at iba pang nerve ng katawan. Kung wala nito, hindi mo maiikilos ang iyong katawan.

Sa likod din makikita ang puwet na isa sa mga pinaka-seksing katawan ng tao.
Mas tambok at malaki ang puwet, mas kaaya-aya sa mata ng kahit sino.

Ang salitang “likod” ay isa din matalinghagang salit. Sa mga kasabihan na “Sa likod ng bawat ngiti ay may luha” o “Sa likod ng bawat kwento ay may iba pang istorya” o di kaya naman ay “Sa likod ng bawat pagkukunwari ay may nakatagong misteryo” ay nagpapatunay na ang salitang ito ay may malalim na kahulugan. Minsan pa nga na “Kapag tinalikuran mo ang lahat ng nasa harapan mo ay hudyat ng isang pagbabago iyong katauhan.”

Mmmmmm…

Sa likod nga siguro ng bawat ikinikilos natin ay isang bahagi n gating katauhan ang nawawala. Marahil tama nga ang sinabi ng isang Japanese photographer (na nakalimutan ko na ang pangalan) na mahihlg kumuha ng mga larawan na nakatalikod na “makikilala mo ang isang tao sa kanyang likuran.” Alam mo kung may itinatago siya o hindi.

May mga taong magaling magpanggap o magsinungaling. Ngunit sa likod ng kanilang pagpapanggap at pagsisinungaling ay isang bagay ang hindi nila alam - naghihintay sa kanila ang isang bagay sa buhay nila na hindi makakalimutan ng panandalian lamang.

Mayroon akong isang kwento na ibabahagi sa inyo.

Isang lalaki mula sa ibang lugar ang pilit na tumatakas sa kanyang nakaraan. Dahil sa isang babae, nagawa niyang ibigay ang lahat ng mayroon siya – kahit kapalit nito ay ang kanyang buhay at ang mga tao sa paligid niya. Ngunit hindi siya kayang ipagtanggol o ipaglaban ng babae at panindigan ang kanilang relasyon. Ito ay dahil sa kadahilanan na sa likod ng kanyang pagkukunwari ay may iba pa siya kasintahan  bukod sa nilolokong lalaki.

Parang tanga ang lalaki na nag-aakalang siya lang ang minamahal ng manlolokong babae. Ngunit dahil tutol ang marami sa kanilang pagmamahalan, nagpakalayo-layo siya upang bumuo ng pangarap na iaalay sa babae. Sa kanyang paglalakbay, nakilala niya ang isang babae na may busilak na kalooban at may tapat na puso. Naging magkaibigan sila dahil magkasundo sila sa maraming bagay. Hindi inakala ng lalaki na may pagtingin sa kanya ang babaeng hanggang sa unti-unti na siyang minahal nito. Nanag malaman niya ito, hindi na niya alam ang kanyang gagawin.

Nabuo sa isip ng lalaki na imbestigahan ang kanyang kasintahan at nalaman niya ang buong katotohanan. Napakasakit nito para sa kanya dahil matagal na pala siyang niloloko nito. Ngunit nahihirapan siyang talikuran ang babaeng manloloko dahil mahal na mahal niya ito. Pinag-isipan niyang mabuti ang kanyang gagawin at ginawa niya ang pinakamahirap na desisyo sa kanyang buhay – ang talikuran ang lahat na mayroon sila.

Nagdesisyon ang lalaki na suklian ang pagmamahal ng babaeng nagmamahal sa kanya. Ito sa sa kadahilanang hindi lang isang tao ang nagmamahal para maging matatag ang isang relasyon. Sa kasalukuyan, masaya silang dalawa na nagmamahalan.

At ang babaeng manloloko? Ayun, na-karma at ngayon ay pinagdudusahan at tinatanong sa kanyang sarili na bakit siya iniwan ng lalaking akala niya na mamahalim siya habambuhay.

Sa buhay natin, hindi madali ang talikuran ang lahat dahil sa mga alaala na nakakataka sa isip at sa puso. Ngunit sa likod nito ay ang katotohanan na dapat nating harapin ang katotohanan at tanggapin na kung ano ang mayroon tayo sa kasalukuyan. Sa likod ng bawat pagsubok na mayroon tayo ay may naghihintay na biyaya. Sa likod ng bawat pasakit ay may ngiti na nagbibigay-sigla sa lahat. Ngunit higit sa lahat, sa likod ng panloloko na ginagawa mo sa isang tao ay isang kaparusahan na hindi mo inaasahan.

Tamaan na kung sino ang dapat tamaan. Karma lang ‘yan. Hindi lahat ng naloloko ay maloloko habambuhay.


Wednesday, May 2, 2012

Epiko 23: "Sige, Magsulat Ka Lang.... At Magkape"

     Walong taon na ang nakakalipas nang una kaming nagkita sa boardinghouse ko. Papasok ako sa klase noon at nang manalamin ako para ayusin ang sarili ko ay nakita ko siya na nakatayo sa likod ko na basang-basa ng ulan. Kahit hindi ko pa siya kilala, agad kong pinahiram sa kanya ang bagong laba kong damit at kumot. Sa unang pagkakataon, pinagtimpla ko ng kape at inasikaso ang isang babae. Baka kasi magkasakit siya. 


     Hindi ko akalain na ito na pala ang sandaling nagpabago sa buhay ko.


     Siya si Nancy. Classmate siya ng isa kong kasama sa boardinghouse na noong panahon na 'yon ay kumukuha ng kursong Mass Communication. Makalipas ang ilang linggo noong una kaming magkakilala, naging magkaibigan kami. Palagi na siyang tumatambay sa boardinghouse ko kasama ang mga kaibigan at classmate niya. Nagkaroon ng buhay ag boring at nakakatamad na bahay-tuluyan namin dahil palagi na kamung may bisita.


     Isang araw, dumating siya sa boardinghouse habang gumagawa ako ng tula na ipapasa sa professor ko. Hindi ko akalain na nabasa niya ito habang pinagtitimpla uli siya ng kape. Hindi ko akalain na nagustuhan niya ang ginawa ko. Ang totoo kasi niyan, habang ginagawa ko 'yun, iniisip ko siya.


     "Ang galing! Sige, magsulat ka pa!" wika niya sa akin. Simula noong araw na 'yon, kapag wala akong ginagawa o kaya ay nag-iisa, nagsusulat ako ng tula. Hindi ko namamalayan na madami na pala akong nagagawa. Kapag nakatapos ako ng isa, pinababasa ko sa kanya. Hindi maiiwasan na may pangit siya na nababasa pero dahil mahinahon siyang magsalita, natatanggap ko 'yun at pinagbubutihan ko pa.


     Ang pagsusulat ng tula ay napunta sa paggawa ng nobela, piyesa ng teatro, maikling kwento at iba pang anyo ng pagsulat... mapa-English man o Filipino. Nagsususlat na ako dati mula pa noong highschool pero iba ang pakiramdam ngayon kaysa dati. Mas intense at mas buhay na buhay ang bawat sulat na tila nakakabuo ka ng imahe sa isip. Ito ay dahil kay Nancy.


     May nagtanong sa akin na kasama sa boardinghouse na "In-love ka ba kay Nancy?" Hindi ako nakasagot agad. Doon ko nalaman na marami palang nanliligaw sa kanya sa school. Pero wala siyang sinagot at nagustuhan Noong mga panahon na 'yon, marami ang nagsasabi na "heartbreaker" o nagbibilang ng lalaking paiiyakin ang babaeng 'yon. Binalaan nila ako na huwag ko siyang ligawan. Pero ang totoo, wala talaga akong balak na ligawan siya. Gusto ko lang na mabasa niya ang mga sinusulat ko. 'Yun lang.


     Isang araw, niyakag ako ni Nancy na kumain sa labas. As usual, may kape. Pero sabi niya sa akin, gusto niya na ako ang magtimpla nito. kaya kahit kakaiba, bumili ako ng kape at asukal sa isang tindahan at humingi ng mainit na tubig at tsaka nagtimpla ng kape para sa kanya. Ewna ko ba sa kanya pero gustong-gusto niya ang kape na ako  ang nagtimpla.


     "Alam mo ba na ang pagsusulat ay parang pagtitimpla ng kape? Kasi madali para sa isang tao na makilala ang kanyang pagkatao kapag natikman mo kung paano siya gumawa nito. Tulad mo,  naglalaban ang lasa ng kape at asukal kapag ikaw ang gumawa. Katuald din ng mga sinulat mo na pantay ang mga elemento na kailangan ng istorya at mga tula mo na may dalawang mukha at kahulugan. Iniisip ko tuloy kung paano ka mag-isip at paano maglaban ang mga ideya mo kapag nagsusulat ka."


     Hindi ako nakasalita ng mga sandaling 'yon. Hindi ko inasahan na maririnig ko 'yun sa kanya.


     "Ituloy mo ang pagsusulat. Malayo ang mararating mo kapag ginawa mo 'yun. Alam ko na magtatagumpay ka. Marami ka pang matututunan sa buhay." dugtong niya habang humihigop ng kape.


     Simula noon, naging parte na ng buhay ko ang pagsusulat. Dahil sa kanya, nakita ko kung ano talaga ang gusto kong gawin at masaya ako dito. Alam ko kasi na a babasahin niya ang mga ginawa ko.


Ngunit umalis siya ng unibersidad kasabay ng pag-alis ko sa mundo ng medisina. Nabalitaan ko na lang na pinili niya ang daan upang maging lingkod ng Diyos. Umalis siya ng bansa at nanaitli sa Bangladesh ng maraming taon.


     Nawalan man kami ng komunikasyon, tuloy pa din ang aking pagsusulat. Akala nga ng iba eh mahal ko siya. Pero ang totoo, siya ang dahilan kung bakit minahal ko ang pagsusulat.


     At dahil dito, hindi ko nagawang magpasalamat sa kanya sa kanyang ginawa sa akin.


    Minsan sinabi mo sa akin na "Kung alam mo ang dahilan kung bakit mo ako sinusulatan, alam mo din ang dahilan kung bakit ka nagsusulat para sa iba." Huwag kang mag-alala, magpapatuloy akong magsulat pero hindi na para sa 'yo... kundi para sa lahat. Kung hindi ko kayang magsulat muli para sa 'yo, magsusulat ako para sa lahat. 


     Para sa 'yo ang blog na ito Nancy. Maraming salamat. 



Epiko 22: "Sige... Lakad!"

Bakit ba tayo naglalakad?

Bago pa naimbento ang gulong at pagpapaamo ng mga domesticated animals tulad ng kabayo at kamelyo noong panahon bago ang kapanganakan ni Kristo, ang paglalakad ang tanging paraan ng transportasyon. Ito ang paraan na ginawa ni Moises para makarating ang mga kawawang Israelita sa lupang pangako. Apatnapung taon ang ginugol sa paglalakad nila gamit lang ang kanilang paa. Sa Pilipinas, ang makasaysayang "Death March" ang nagsilbing mitsa ng ilang buhay at nagpahirap sa mga sundalong Pilipino at Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa simpleng sitwasyon, hindi makakarating ang isang tao sa tindahan  kung hindi siya gagamit ng paa para maglakad (ibang usapan na kung naka-wheelchair ka.).

Sa mundo na kung saan pinapagalaw ng gasolina at krudo, ang paglalakad ay hindi maitatangging mahalaga sa bawat isa sa atin. Hindi kumpleto ang nilalang na may paa kung hindi siya nakakalakad. Kahit nga ang may kapansanan, gumagawa ng paraan para makalakad at kahit 'yung hindi makalakad, gumagastos ng malaking halaga para makalakad uli.

Iba't-iba ang interpretasyon natin sa salitang ito. Pero sa nakakarami, isa itong metapora na nagsasaad ng pagsulong o progreso. Abnormal ka kung naglalakad ka ng patalikod. Sa bawat hakbang na 'yong iniyayapak sa lupa ay simbulo ng pagtungtong sa bagong baitang ng pagbabago at pag-unlad.  Ngunit tulad ng literal na kahulugan nito, mabagal ang prosesong ito kumpara sa pagtakbo.

Isang taon na lang at may halalan na naman na mangyayari. Maraming "tatakbo" na kandidato sa iba't-ibang posisyon ng gobyerno. Ang iba sa kanila, tila nagmamadali (tulad ng napanood ko sa T.V. na asawa ng kilalang "nakaligo sa dagat ng basura) na makuha ang atensyon ng masa kaya nagpaparamdam na sa publiko. Sari-saring publicity ang ginagawa ng mga tatakbo para sa halalan. Kung tutuusin, isa sa mga makulay at madugong halalan sa Asya ay ang Pilipinas. Para kasing "circus" bansa natin kasi sari-saring pasikat at pagyayabang ang ginagawa ng mga gustong tumakbo para sa isang partikular na posisyon. Marami ding raket at trabaho ang sumusulpot. Mapa-campaign manager, printing press, tarpaulin at hired killer eh kumikita ng malaki.

Pero sa bandang huli, kung gaano kabilis ang kanilang ginawa sa pangangampanya ay ang mabagal na paglakad ng kanilang panukala na kung minsan ay parang inililista na lang nila sa tubig. Nakakalungkot dahil mabagal na paglakad ng ating pag-unlad tungo sa isang magandang bansa.

Ngunit may kasabihan tayo na "Matuto munang gumapang bago lumakad." May ilan naman na kahit mabagal ang proseso ng paglakad ng panukala ay nagkakaroon ng improvement sa kanilang ginagawa. Ang nakakalungkot lang ay hindi ito agad nararamdaman ng mga kababayan natin. Likas kasi sa atin ang nagmamadali at tumatakbo ng matulin. Kaya kung natitinik tayo ay malalim.

Pero hindi sapat na sila lang ang gumagalaw o lumalakad. Mayroon din tayong responsibilidad para sa ating bansa upang umasenso. Tama na ang "ugaling talangka", "manyana habit", "sistemang kompadre", "red tape" at ningas-kugon" na masamang anino ng Pilipino. Kung gusto natin ng pagbabago, magsimula ka sa isang hakbang. Simulan natin sa ating sarili ang pagbabago (mas masaya pa nga kung may ka-holding hands ka).

Alam natin na malayo pa ang ating lalakarin pero kung hindi tayo gagawa ng hahakbang, walang mangyayari sa ating pinapangarap na bansa. Hindi natin kailangang magmadali. Lahat ay nakukuha sa mahinahon at maayos na paggawa ng hakbang.